#4

25 0 0
                                    

Chapter Three
P36-50


"Bakit alam mo kung nasaan ang bahay ko?"

Kaloka to'ng si Bryan.Hindi ko naman sinabi sa kanya kung saan ako nakatira pero nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay ko.Google map lang ang peg.

"JAN?!IS THAT YOU?!"

Napatuwid ako ng upo tapos nagimbal ako sa narinig ko.Boses yun ni Sam.Hala!Nasa bahay ko na pala ang amasona.

"You can go.Bumaba ka na dahil may pupuntahan pa ako"

Inirapan ko sya.Sa kapal ng mukha nitong si Bryan pwede mo na syang gawing wall sa clash of clans at siguradong matibay ang depensa!Naka maximum level pa!

"Oo na!Bababa na po ako kamahalan"Lumapit ako sa kanya.Yung tipong ilang inches nalang ang layo namin tapos sya hindi na gumagalaw at nakatingin lang sa akin.Inilapit ko ang bibig ko sa may tainga nya tapooos"SALAMAAT!!!"

Napangiwi sya sabay takip sa tainga nya.Boom Basag!basag ang eardrums.Binilatan ko sya tapos lumabas na ako ng kotse nya kasi aktong tatanggalin na nya yung seatbelt nya eh.Baka ano pang gawin nya sa kagandahan ko.

Tumakbo na ako papasok sa bahay ko.Sinalubong ako ng nag-aapoy na tingin ni Sam kaya ako napahinto.Prenteng nakaupo sya sa favorite sofa ko'ng kulay red.

"Bakit ngayon ka lang?At nagsama ka pa talaga ng gwapong lalaki dito?"

Aba nakangiti na ang bruha ngayon.Tiningnan ko kung sinong tinutukoy nya kasi baka naisama ko na pala si Tom Cruise ng hindi ko namamalayan.Kaso paglingon ko sa likuran si Bryan pala ang nandoon at sumunod pala sya sa akin.Nakangiti pa sya kay Sam habang kanina mukha syang ewan na palaging naka simangot.Nakakasakit din ng damdamin ang damuhong 'to.

"Sya ang dahilan kung bakit hindi ako nakapunta sa restaurant kanina"

Ngumiti ng matamis si Sam.Kaso hindi sya sa akin nakatingin kundi kay Bryan.Maharot din to'ng babaeng to eh mabuti nalang hindi ako mana sa kanya.Dalagang pilipina kaya ako,hindi nga lang ako masyadong showy pero pwede na.

"Okey lang yun.I didn't mind,Jan"

Tinaasan ko sya ng kilay.Kanina lang halos patayin na nya ako tapos ngayong nakakita ng gwapo nahimasmasan.Gwapo nga kasi talaga si Bryan,for sure kahit ikaw pag nakita mo sya nganga ka rin!

"Sorry kung hindi na sya nakapunta sa usapan nyo.Nag date kasi kami.We went to my place."

Literal na napanganga ako.Tiningnan ko si Bryan na nakangisi lang at inakbayan pa ako.Kung hindi nangyari yung mga nangyaring pang aalipin sa akin kanina, malamang naglulupasay na ako sa kilig.Kahit ngayon nga medyo kinikilig ako.Landi din.

"Hoy!" Tinabing ko yung kamay nyang naka akbay sa akin."'Wag kang maniwala sa demonyong 'to Sammy.Sinungaling to"

Inakbayan nya ako ulit at medyo mahigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko.Gago talaga tong lalaking 'to.Hindi mahulaan kung anong tinatakbo ng brain cells nya.Pilit ko paring inaalis ang kamay nya

"C'mon babe it's okey.Matagal narin naman tayo so I think this is the right time to tell your bestfriend about us."

Nagpapalit-palit ang tingin ni Sam sa aming dalawa ni Bryan.Napakunot noo ako ng tumawa si Sam.

"Baliw ka talaga John Angelie Ramirez.Kahit medyo nagtatampo ako kasi ngayon mo lang sinabi"Oh no!mukhang masama na talaga to.Tumayo si Samantha at niyakap ako."Im sooo happy for you!Finally may boyfriend ka na!"

Alanganing ngiti lang ang binigay ko sa kanya.Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Ah, he he"

"I have to go babe,take care okey?"

Natulala ako ng bigla nya akong halikan.Napakurap-kurap pa ako pagkatapos.First time ko'ng ma speechless at hindi ko pa namalayan na nakaalis na pala sya.Kung hindi pa tumili si Sam hindi ko pa mapapansin na umalis na pala sya.

"Kinikilig ako sa inyo ng boyfriend mo!Ang gwapooo nya!"

"Hindi ko sya boyfriend?!"

Pa'no ko ba iiexplain sa kanya na napag tripan lang ako.Kaya lang kasi kung ikekwento ko sa kanya ang masaklap na nangyari kanina baka magalit na naman sya sa akin plus kay Bryan.May pagka amasona pa naman sya.Baka mapatay nya si Bryan at makulong sya.Hindi bagay ang ganda ni Sam sa kulungan.Matindi rin magalit to kasi hindi nya ako kinikibo.Kikibuin lang nya ako pag pasko na eh pebrero palang ngayon.Ang tagal pa ng december!mas okey na sigurong magsinungaling sa ngayon.Hindi narin naman kami magkikita nung demonyong yun.

"Sus, wag ka nang mag deny.Ang gwapo ng boyfie mo!"

She gigled and she smiled sweetly at me tapos niyakap nya ako.Naks napapa-English talaga ako pag ganitong stressed ako!pansin nyo?

"You better sleep.Uuwi narin ako Jan.I really can't believe na may boyfriend ka na.I'm sooo happy!"

Yun lang at umalis na sya.Umakyat na ako at pumasok sa kwarto.Naligo muna ako tapos nagbihis.Suot ko yung favorite outfit ko na big tshirt at pj's.Comportable kaya matulog pag yan ang suot.Try mo rin kung hindi mo pa natatry.

Humiga na ako at matutulog na sana ng biglang mag ring ang phone ko.Hindi ko nga maalala na nadala ko pala ang bag ko kanina.

Kinuha ko yun at agad na sinagot.


"Hello?"


"Hey,babe."

- - - - - - - - - - - - - - -

-_- Dapat ko raw ibahin yung title para catchy sa mambabasa kasi common daw masyado.Ehhhh,eto kasi yung bagay na title talaga sa story kaya paninindigan ko 'to! :P HAHAHA

Bahala na si Lord,Amen! :)

-Misteryousaw

Missing PromiseWhere stories live. Discover now