Nagising akong pawisan at naghahabol hininga. Inisip ko ang masamang panaginip na 'yon, malimit ay hindi ko tanda ang mga panaginip ko, pero dahil sa kakaiba at misteryosong panaginip na iyon, tanda ko ang lahat.
Bumangon na ko para makapag handa sa eskwelahan. Same routine. Kain, ligo, uniporme, papasok ng walang pake elam sa oras, mag ka-cutting classes na para bang normal lang ito. Minsan pa nga'y maga-aaya sa tropa ng inuman kasalo ang yosi o kapag may pera ang lahat gumagamit kami ng tinatawag na 420. Alam kong masama, pero ito ang kaligayahan ko. Kaligayang nagpapasama sa imahe ko. Eh ano? WALA-SILANG-PAKE. Okay ang concerned na tao, pero yung iba sumosobra na, yung tipong nangenge-alam na sa buhay ng iba. Parang pamilya ko, ang hilig mange-alam sa buhay ko. Pero ang tangi ko lang sinasabi.. WALA SILANG PAKE, BASTA MASAYA AKO SA BUHAY KO. Hindi ko alam kung bakit pa sila nag aaksaya ng boses kakasermon sakin, samantala wala akong sinusunod sa mga putak nila. Tatawanan ko na lang. Demonyo? Oo siguro.
BINABASA MO ANG
Photograph
RandomNaka ilan na nga ba akong bura o pag type. Ni hindi nga ko makabuo ng storya, Type. Backspace. Type. Ganito ang istilo ko, pero ipinapangako ko na may maibubuo akong istorya na may sense, lessons, advises, word of wisdom. At ito na nga may mabubuo n...