"Beast Mode

18 1 1
                                    

"SANTOS! ILANG SANTO NINYO PA ANG DADASALAN KO NG MAGBAGO KA NA?!" galit na bungad sakin ni ma'am dela Torre.

Nilampasan ko siya ng tingin at umupo na sa pinaka dulong row ng upuan sa room namin.

"Aba talaga? BASTOS KA!" Hayst. Ano pa bang bago dito? Sanay nako na lagi syang mag wo-walkout at iiyak pag katapos ko syang bastusin. Sinabi ko naman kasi wag na syang mag aksaya ng oras sa pag putak nya. Ayan tuloy sa twing papasok na lang palagi ako, may umiiyak na teacher sa harapan ko. Okay naman sakin ang mag-aral, ang kinaiinisan ko lang ang mga tao sa paligid ko. Nakaka walang gana. May mga childish, bungangera, mahahangin, nagmamagaling, pabebe at mga salo-salong katangahan ang nandito.

Naglalakad ako sa hallway na konektado sa aming Gate. As usual pinagtitinginan nanaman ako ng mga pangit na tambay. Yung tila nadaanan ng bagyo at yung mga gumagamit ng pinagbabawal na gamot. Ehem ibahin nyo naman kasi ako sa kanila. Kahit na gumagamit ako at paloko-loko ang buhay maayos parin ako tignan. Tamang pagsuot ng uniporme, buhok na hindi lalagpas sa tenga, at malamang hindi ko pinapabayaan ang kulay ko. Nakakahiya para sa lalake pero kelangan mong maging mukang presentable.

"PARE!" Eto nanamang si kaloy, magyaya ng cutting classes.

"Ano nanamang kelangan mo?" Pagsusungit ko. Iritable ako sa mga ganyang tao.

"Menopause ka na ba Jake? HAHAHAHAHA!" Si kaloy yung tipong pabago bago ang mood. Minsan galit sa mundo, at kadalasan pag sabog ganito palagi siya. Kaya naman hindi na ako magtataka kung naka hit-het 'to.

Binalewala ko na lang ang biro nya, ano naman kasing mapapala ko kung sasakyan ko pa siya.

"Huuy jake! Tara." pagyayaya ng isa kong tropa na si Baste.

"San?"

"Sa lugar natin." sinasabi ko na nga ba.

PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon