Wild Young and Free!

9 1 0
                                    

Dahil sa paglilihi ng aking hintuturo't hinlalaki na magsisilbing suporta, mga labi kong sabik, at aking lalamunan na hinahanap-hanap ang sakit sa pag daan mg usok rito, ay para bang inaakit ako. Dahil sa ganitong pakiramdam nagkusa ang aking ulo na tumango, at sinabing "Tara."

"Uy rock na 'to! Madami tayo mamaya. Ipapakilala kita sa iba." -Kaloy

"Wag kang mag alala mga bihasa na 'yon." Tumapik sa akin si Baste.

Napangisi ako. "Hinay-hinay lang bro, baka mahulog tayo."

"HAHAHAHA imposible! Mga bihasa na tayo, tanda mo kamuntik na tayo mahuli ng tanod sa baranggay ninyo? Haha ni hindi nga nila nahagilap anino natin eh. Ang tatanga." Galak na bigkas ni Baste.

"Ulol! Yung motor ko nagasgasan ng dahil don. Langya!" -Kaloy

Masaya naming binalikan ang mga masasayang araw namin habang papunta sa malagim, mabubog na daanan, matarik at tila bang hindi namin alam kung paano umakyat sa lugar na iyon.

Mayamaya pa't nandito na kami sa bakuran ng aming isang kaibigan. Malawak kasi ito parang compound ang lawak, pero sila lamang ang nakatira. Kaya malimit maraming mga adik ang naka istambay dito.

Dumadami na ang pumupunta dito. Senyales na magsisimula na ang inuman saka isabay ang paghit-het ng marijuana. Haaay cloud9!

Sabog. Tulala. Slow-mo ang pag galaw ng mga tao sa paningin ko. At hindi namamalayan ang oras.


Nagising ako sa liwanag ng araw. Punyeta sobrang sakit ng ulo ko! Senyales ito ng kasiyahan namin kagabe. Tumingin ako sa paligid, nakita ko ang mga kaibigan ko na malalim pa ang tulog.

Tinignan ko ang laman ng ref kung merong ihahaing almusal para sa kanila. Dahil nakakasiguro ako na kumakalam ang sikmura ng mga yan.

Nakakita ako ng bacon strips at iilang itlog. Tingin ko naman ay magkakasya 'to. Nagtungo na ko lababo, bumungad sakin ang napaka raming hugasin.

"Tsk. Ano bang klase tong si Miko at hindi mahugasan o malinisan ang bahay nila." bulong ko sa sarili ko. Hindi na ko makapag pigil at nagkusa nakong mag hugas ng pinggan.

"Haaaaaaay! Ano ba yan wala pa bang almusal?" lantang tono nya. At-- te-teka boses babae yon ha? May babae ba kaming kasama kagabi? o.o

Na-curious ako kung sino ba yon, at pinilit kong lingunin ng dahan dahan.

A/N: Lol. Imagine in slow-motion movements hahahaha. May mag e-exist na nga bang Love sa buhay ni Jake or she's just an extra. Ok ok! Bukas na mag a-update. Ilyou guys kung sino man magbabasa nito.

PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon