Which is true? Slow-mo or fast forward?

4 1 0
                                    

"Laking akala ko'y normal na tao ka lamang, subalit nang ika'y masulyapan, ang puso kong walang alam ay natuto ng wala sa oras."

Nilingon ko siya ng mabagal, ewan ko ba kung bat naging ganito ang kilos ko. Siguro ay sa pagtataka kung bakit may isang babae rito sa bahay ni miko.

Dug dug.
Dug
Dug du--- "Ay kalabaw! Sino ka?!" nagulat siya ng nahuli kong abala sya sa pagsandok gamit ang kanyang hinliliit sa isang butas ng sarili nyang ilong. Parang may naramdaman akong pagkadismaya. Yung tipong slowmo na, na bumalik agad sa reyalidad. -___- "Hoy koya? Sino ka? Sabog? Ha?"

Bumalik ako sa katinuan. "Ahm.."
"Hoy Yzel kaibigan ko yan. Dito na sila natulog kagabi.. Hoooooaaay!" nagpapasalamat ako at biglang sumulpot si miko dahil hindi ko talaga alam ang isasagot ko. Na mental block ako sa ganitong klaseng babae.

"Ah ok." maikli nyang sagot at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Sa matagal na titig. Ilang na ako kaya naman pinutol ko na ang pagtitig nya sa akin "Ehem excuse me miss?" sinabayan ko ng reaksyong naghihintay ng sagot.

"Uh-Ha-ha. Ano kasi ahm naka ano ka pa kasi.. Naka ano, boxer ka pa, di kasi ako sanay sa ganyang pananamit ng lalaki. So baka naman gusto mo mag bihis? Hehe." Umiwas na sya ng tingin at dumiretso patungo sa pangalawang palapag ng kanilang bahay.

Tumingin ako sa suot ko. "Tragis! Miko naman hindi mo sinabi na may babae dito sa bahay nyo!"

"ooops i didn't mean it bro. Siya nga pala, kapatid ko yon. Di ko lang naikukwento sayo. Haha sige na magluto kana!" nakakaasar! Nakakahiya! Nakakainis! Unang babae na nakakitang half naked ako!




Yzel POV

Nagising ako sa sinag ng araw. Gusto ko pa sana matulog pero kumakalam natong tiyan ko. Dumiretso ako ng CR para makapagbawas. Hindi na ko naghilamos, sapat na ang pagmumog. Bumaba nako para makakain na. Nagtungo ako sa kusina ng may nakita akong nagliligpit ng pinggan habang nagluluto. "Himala ang sipag ata ngayon ni kuya miko." pagsasalita ko sa isip ko.


"Haaaaaaay! Ano ba yan wala pa bang almusal?" walang enerhiyang pag salita ko. Nakatulala lang ako sa likod ni kuya miko. Kaso...


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon