[IV] Apat na Sakripisyo

107 1 0
                                    

     "Siguraduhin mong walang ibang makakakita nyang bisig mo 'dre," utos ni Philip. Hindi naman siya nakatingin kay Leo, nagpapakanerd lang siya sa mga nasaliksik niya tungkol dun sa mga simbolong nakita niya kagabi.

      Inutusan namin si Leo na itago palagi sa bulsa niya yung kamay niya para hindi ladtaran yung pulseras na ginto. 'Eto naman kasing ungas na si Leo, pinakialaman pa yung pulseras. Hindi na niya tuloy matagtag 'yon sa bisig niya. Pasaway talaga siya. Ni wala nga siyang pakialam na may nakakapit na nakaw na alahas sa kamay niya.

       Umangas ang paglalakad ni Leo habang nakatago sa bulsa ang dalawang kamay niya. Sumisipol pa siya habang palabas kami ng gate ng apartment.

       "Sa Bio Sci?" tanong ni Calvin. Rinig ko na may pinag-uusapan silang dalawa ni Philip. Tungkol ata 'yon sa plano naming pagliligtas dun sa babaeng weirdo na nakita namin sa kuta nung isang gabi. Ano nga bang pangalan nun? Basta, pahamak siya. Dapat natutulog ako ngayon eh.

        Napadaan kami sa tindahan ng milk tea. Nahuli kong ngumingisi si Leo. My bullshit senses are tingling. Inilabas ni Leo ang kamay niyang may pulseras, at ihinagis-hagis niya ang tatlong piraso ng ginto. Maangas niyang ginawa ang mga pangyayari. 

       "Guys," nagsimula si Leo. "Pwede kayang pambili ng milk tea 'tong mga gintong 'to?"

       Palapit na siya sa tindahan ng milk tea nang biglang dumaan si Sir Cagouia, pangkaraniwang balisang-balisa. Agad hinigit ni Calvin ang kamay ni Leo at itinago ito sa likod ni Leo. Buti na lang hindi kami napansin ni sir at lumabas na siya sa compound.

        Binatukan ni Philip si Leo. "Kakasabi ko lang!" sabi niya, nanggagalaiti.

        Nilapitan ko si Leo. Tinitigan ko siya sa mata. Tumitig siya pabalik, may pacute pa. "Wag mong," panimula ko.

        "Ano?" tanong ni Leo.

       "Wag mo na uling babanggitin ang milk tea," sabi ko sabay himas sa tiyan ko. Naririnig ko lang ang salitang "milk tea" nasisira na agad ang sikmura ko.

        Tiningnan ko ng masama si ateng tindera ng milk tea. Nasindak siya, at nagpanggap na lang siya na may ibang ginagawa. Sige lang ate. Umiwas ka na lang hangga't kaya mo pa. I'll see you in hell.

      Sinuyo na kaming lahat ni Calvin na humayo na. "Bilis, baka malate tayo sa pagsundo kay Natasha!" sabi niya.

       Sumunod na lang kaming tatlo. Jusko, alam ko naman ang takbo ng utak nitong si Calvin. Gusto lang niyan pormahan yung babae.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

      Dumating na kami sa tapat ng lecture hall ng Institute of Biological Sciences. Malapit nang mag-alas kwatro y media ng hapon. Malapit na matapos ang klase dito.

      "Shit!" sambit ni Leo.

      "Ano na naman dre?" sabi ni Calvin.

      Ipinakita niya samin yung mga ginto sa kamay niya. "Kulang na ng isa!" sabi ni Leo. "San kaya nalaglag? Ikaw naman kasi Calvin eh!"

      "Magfocus ka nga dre'!" utos ni Calvin. "Dun kayo ni Uste sa kabilang entrance. Bantayan niyo kung dun lalabas si Natty."

       Aba may nickname na siya. 

       Sumunod kami ni Leo. Nagbantay kami sa kabilang entrance. Sa hindi ko inaasahan, nagfocus nga si Leo. Hindi niya tinantanan ng tingin yung pintuan. Ni hindi nga siya nagsasalita. 

Square OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon