[II] Dalawang Tagapagbantay

168 4 6
                                    

    "Huwag na kasi tayong pumasok!" maktol ko. "Manyak yang si Sir Cagouia. Bakla pa ata yan, may kadate na manong kagabi. Kawawa ang hot body ko sa mga mata niya!"

    "Hindi bakla yun, nangga-gang rape nga diba?" katwiran ni Calvin. Abalang abala siya sa laptop niya. Nagpo-porn ata.

     Hinubad ko ang t-shirt ko. "Malay mo!" sabi ko. "Ang hot ko kaya." Iwinasiwas ko pa ang maganda kong buhok. Alam ko namang inggit na inggit sila sa kamachohan ko, lalo na sa perpekto kong buhok. The number one anti-dandruff shampoo yata gamit ko dun.

    "Tama na nga yang mga kalokohan mo Leo," sabi sakin ng unggoy na si Philip. Mainit na naman ang ulo niya. "Tara na, pumasok na tayo."

     Humilik ng malakas si Uste. Hay, buti pa sila ni Calvin wala pang klase. Palibhasa tapos na nila ang Hist 1, yung klase ni sir. Ayaw ko nang pumasok. Bumalik ako sa kama ko at nagkumot, pero hanggang sa bewang lang. Kailagan maniwala ni Philip na hot ako para maawa siya sakin at hindi na niya ko papasukin.

     Umiling si Philip at nagkunot ng noo. "Bahala ka na nga," sabi niya. "Tutal excessive ka na rin naman, forced dropped ka na sa klase ni sir."

     Humilik ako ng malakas. Ang dami pang satsat ni Philip. Hindi ba niya alam na wala akong pakialam dun? Ang boring naman kase ng klase ni sir, at saka hindi naman kasi importante yang kasaysayan ng Pilipinas sa kurso ko. Palibhasa grade conscious 'tong si Philip.

     Nagbuntung-hininga si Philip. "O sya," sabi niya. "Calvin, sigurado ka bang hindi na natin isasauli yung wallet kay sir?"

   "Huwag na," tugon ni Calvin. "Mukhang hindi na naman niya hinahanap eh. Saka ineembestigahan ko pa kung ano 'tong sindikato nina sir."

        Mukha namang sumang-ayon si Philip. "Osige dre'," sinabi nalang niya. "Basta ilayo mo kay Leo yung pera, baka magastos pa niyan."

       Nagtawanan silang dalawa, at pagkatapos ay lumisan na si Philip. Iminulat ko ang isa kong mata at sinilip ang pinagkakaabalahan nitong si Calvin. Marami akong nakitang mga weirdong simbolo sa screen ng laptop niya. Hawak pa niya yung parisukat na card na nagmula dun sa wallet ni sir. Hindi naman pala siya nagpoporn eh.

        Napahikab ako. Ang seryoso naman niya masyado, ni hindi siya nagsasalita. Bakit pa ba niya kailangang abalahin yung nangyari kagabi? Sinasayang niya ang break niya. Ba't hindi na lang siya matulog tulad namin ni Uste?

      Pinagpapawisan na siya. Tutok talaga siya sa ginagawa niya. Inantok tuloy ako. Makatulog na nga.

     Nag-unat ako habang humihikab. Kinamot ko ang abs ko sabay higit ko ng kumot palibot sa katawan ko. Ang sarap umabsent! Bigla na lang lumalakas tila ang tunog ng pagtatype ni Calvin. Bumabagal na ang pagtibok ng puso ko, at naririnig ko na rin ang paghinga ko. Hindi ko na nararamdaman ang katawan ko.

     Pamilyar sa 'kin ang lugar na 'to. Madilim ang paligid, ngunit kitang-kita ko ang altar sa gitna. Biglang may nahagip na pagkislap ang gilid ng mata ko. Lumingon ako.

    "Ginto! Ang daming ginto! Mwahaha, yayaman ako!" Narinig ko ang sarili kong sinasabi. Lumapit ako upang dumakot ng sandamakmak na ginto. Inunat ko ang mga kamay ko.

      Nanlamig bigla ang kanang braso ko. Sagad hanggang sa buto ang kilabot.

      Tumingin ako sa bandang kanan. 

    Ang itim at nanlilisik! Aray, nabibingi ako sa irit niya! Nakahawak siya sa braso ko! Pero infairness, ang gandang chicks nito! Pero mukhang may sapi! Inay ko po! 

      "Shit!" sigaw ko. Bumangon ako bigla. Pinagpapawisan ako ng todo kahit nakahubad ako.

      Nagulat sa 'kin si Calvin at bigla niyang nabitawan yung card. "Tae dre'!" sabi niya. "Ano bang nangyari sayo?" Dinampot niya yung card pati na rin yung wallet.

Square OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon