[I] Isang Paglilihim

257 4 0
                                    

     "Sige na, ikaw na ang mauna," sabi ni Calvin. "Tutal ikaw naman ang may kasalanan." Patuloy ang pagtulak niya kay Leo papunta sa cubicle ni Sir Cagouia.

    Nagmaktol na naman 'tong si Leo, "Teka, hindi ko kasalanan na nahulog ang wallet ni sir ah!" Iwinasiwas niya ang wallet ni sir sa mukha ni Calvin.

   Tinulungan ko na si Calvin sa pagtulak kay Leo. "Eh kung hindi ka kasi matakaw di sana natin kailangang magmukhang guilty!" sambit ko. "Professor ko pa naman yan sa Hist 1, kapag ako nalagot dun, tanggal scholarship ko!"

     Isinampal sakin ni Leo ang wallet. "Eh di ikaw na ang magbigay," sabi niya. "Teacher's pet ka naman eh." Binelatan pa niya ako.

     Kumukulo na talaga ang dugo ko kay Leo. Bakit ko nga ba naging kaibigan 'to? Ah, tama. Siya nga pala lagi ang nagtatanggol sakin kapag pinagagalitan ng prof. Ang galing niya kasi sa palusot.

     "Akin na nga yan," sabi ni Uste sabay hablot sa wallet. 

     Buti pa 'tong si Uste, matinong kaibigan. Medyo pranka nga lang. Hindi pala, sobrang pranka.

    Lumapit na si Uste sa cubicle ni sir upang isauli ang wallet. Bago pa siya umabot sa bukana, may biglang bumalagbag at may nagmura. Dali-daling lumabas si Sir Cagouia at naglakad paalis ng silid nang hindi man lang kami napapansin. Nakalapat rin ang cellphone niya sa tainga niya, at tilang balisang-balisa siya habang kinakausap ang nasa linya.

    Lagot na. "Ayan galit na si sir!" sigaw ko. "Dapat kasi kahapon pa natin sinauli yung wallet niya! Bakit ba ngayon pang hapon natin binalak, eh malapit nang gumabi?"

     "Chill lang dre'," sabi ni Calvin. "May klase pa kasi si gago, eh kailangan pa niyang bayaran yung ninakaw niya.

    Ngumuso si Leo. "Nahuhurt na ko mga 'pre."

   Bigla na lang kaming natawa sa expression niya. Ewan ko ba, kahit anong galit namin dito kay Leo, hindi pa rin kumpleto ang araw kapag hindi naman siya nakakapiling. Naks.

    "Tama na yan," utos ni Uste. "Sundan na lang kaya natin si sir? Ako nang mag-aabot, ang duduwag niyo kasi. Mga wala kayong *toot*."

    "Oy ha!" sumbat ni Calvin. "Sumosobra ka na Uste."

    "Ah basta," isiningit ko. "Tayo na bago pa mawala si sir."

    Sinundan namin si sir palabas ng building. Hay, ang bilis talaga maglakad nitong si sir. Hindi niya tuloy napapansin na sinusundan namin siya. Palibhasa bata pa saka matipuno ang katawan. 

     "Papunta siya sa likod ng NCAS building," hinuha ni Uste. 

     "Ano namang gagawin niya dun?" tanong ni Leo. "Stonehenge lang naman ang andun. Sasamba ba siya ng mga aliens?" Nanlaki ang mga mata niya, pero mukhang seryoso siya sa sinasabi niya.

     "Gago ka talaga," sermon ko na naman. "Demolished na building lang yun."

     Umiling si Leo. "Ano ka ba naman Philip?" sabi niya. "Minsan kailangan mong maging open-minded at tanggapin na maraming kababalaghan ang nangyayari sa mundo natin."

    Ginagalit na naman niya ako. "Bahala ka na nga," sabi ko na lang. "Malapit nang dumilim, kailangan na natin maisauli yung wallet ni sir."

    "Bukas na," sabi ni Leo, may kasama pang pakyut.

     Dinagukan ko siya. "Dadali ka na naman."

     "Papasok na nga si sir sa stonehenge," sabi ni Uste.

    Tiningnan ko ng masama si Uste. Sakyan ba naman ang trip ni Leong ulol? 

     "Tara na mga 'dre," pasimuno ni Calvin. "Bago pa tuluyang dumilim. Ang creepy na eh."

Square OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon