Chapter One
Sa dakong kanluran ay nagsisimula nang lumubog ang araw. Isang
napakagandang tanawin na nais masaksihan ng lahat. Ang asul na
karagatan at ang mga berdeng kabundukan ay hindi pa nasasaling ng makabagong teknolohiya. Ang lugar na iyon ay isang perpektong paraiso kung nanaisin subalit kabaligtaran ang lahat ng nakikita ng mga mata ni Arrianne sa dahilan ng kanyang pagparito. Isa iyong tahimik na dapit-hapon ngunit alam niyang hindi kasiyahan at kaginhawahan ang nasa likod ng katahimikang iyon kundi mga pangamba at takot na maaaring anumang oras ay sumiklab na naman ang kaguluhan sa pagitan ng mga sundalo at rebelde.
“Private 1st Class Arrianne Mendez?”, napalingon si Arrianne nang marinig niya ang kanyang pangalan. Humarap siya at inayos ang pagkakatayo at sumaludo.
“Sir! Yes, sir?”
“Sumunod ka sa akin sa base.”wika nito. Isa itong malaking mama at sa aura ay talagang susundin mo ang lahat ng ipag-uutos nito kung ayaw mong lumipad sa ere. Tumalima naman agad siya sa ipinag-uutos.
Sa isang katamtamang opisina ng base siya dinala nito. Hindi man iyon gaanong karangya ay presentable rin naman. Umupo ang ginoo sa isang lumang swivel chair ngunit maayos pa rin naman. Kinamayan siya nito pagkaupo.
“I’m Major Arthur dela Cerna at ako pansamantala ang humahawak sa base na ito dito sa Basilan. So you are a fresh graduate from PMA?” tanong nito na sinuri siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng kanyang Camouflage kapares ang kanyang combat shoes na gamit pa niya habang nag-aaral sa PMA.
“Private Mendez, alam mo ba talaga kung ano ang pinapasok mo?”
“Alam ko po sir!”, matigas niyang sagot dito.
“Sana buo na nga iyang desisyon mo dahil pag naroon ka na ay wala na talagang atrasan ‘to? Bakit ba kasi gusto mo pang ma-assign on the field. Eh, pwede ka namang sa opisina na lang?” nagtatakang tanong nito sa kanya na sa pagkatataong iyon ay sinusuri naman ang kanyang records.
“Hindi ko po matatawag na tunay nga akong sundalo, kung hindi ko po mararanasan ang makipaglaban sa mga kalaban ng gobyerno natin.”
“Sige, kung iyon nga ang gusto mo wala na akong magagawa. Good luck na lang sa iyo. Bukas pumunta ka sa Brgy. Cambug ng ika-114th command division, platoon one code name Tigers squad. Ipahahatid na lang kita bukas doon para hindi ka na mahirapan pang maghanap.”
“Maraming salamat po sir.”, aniyang muling sumaludo at tumalikod na dito.
“Hoy, gising, gising na kayo! Alas-sais na ng umaga! Malilintikan na naman tayo ng tigreng sergeant natin.”
“Ha? Naku patay, bakit ngayon mo lang kami ginising , Gene? Ang tanghali na.” Anitong napalundag mula sa double deck na katre.
“Kasalanan ko pa! Pwede ba sa susunod wag na kayong magpagising, lalo ka na , Allen. Ang hirap mong gisingin tapos ikaw pa ang may ganang magreklamo.” Inaayos nito ang higaan habang nagsesermon sa kasamahang corporal.
Nagising na lahat ang mga sundalo sa silid na iyon at isa-isa ng nagpapalit ng damit. Lahat ay nagmamadali dahil kung hindi ay sa putikan silang lahat pupulutin at mauunsiyami pa ang simpleng agahan nila na kanin at tuyo lamang. Hay, buhay talaga ng sundalo.
Isa-isa ng nakahanay ng maayos ang mga sundalong ito sa labas ng kanilang kampo hinihintay ang kanilang team captain na si Seargent Jang.
Tahimik ang lahat at seryoso habang naroon na ito sa kanilang harap at isa-isang tinawag ang kanilang pangalan.
BINABASA MO ANG
Private Arrianne
RomanceSi Arrianne, dahil sa pagrerebelde sa ama ay nahanap niya ang sarili sa pamamagitan ng pagpasok bilang sundalo. Dahil sa pride niya ay mas pinili niyang makisama sa bakbakan at doon nakilala niya si Sgt. Lex Jang ay half-Korean na sarhento nila na u...