Rheena's Point Of View
WALA AKONG ibang magawa kundi ang mainggit na lang habang pinapanood ang mga kaklase ko na naglalaro sa malawak na school ground. Nakasuot kami ng P.E uniform ng elementary. Naghahabulan sila habang nagtatawanan. Walang gustong yayain akong sumali. Kahit gustuhin ko pa ay iwas ang mga ito sa'kin.
Kaya tahimik na lamang akong nakaupo sa bench at may hawak na iPad. Nanonood ako ng mga videos o mas tamang sabihin na panay scroll lang ng mga dumadaan na videos. Nang madaanan ko ang isang reels ng isang babaeng gumagawa ng tutorial make-up niya. Hindi ko na muli inalis pa ang tingin ko sa video at natigil na rin ang pag-scroll ko. Nag-focus ang mata ko sa bawat galaw ng kamay at bawat bagay na nahahawakan o nagagamit ng babae.
"Rheena anak. Why are alone here?"
Mabilis kong binaba ang iPad ko sa aking kandungan nang lapitan ako ng P.E teacher namin.
"Ma'am Ashtine."
She smiled and pat my head. "You don't want to play with your classmates?" She asked as she sat next to me.
Tumingin ako sa mga kaklase kong naglalaro pa rin at napanguso. "It's the other way around po."
Kinuha ni ma'am ang ipad na hawak ko at hinawakan ang kamay ko. "Come here."
Tinawag ni ma'am Ashtine ang mga kaklase ko at sinabing i-join ako sa kanila. Nakita ko ang mga reaction nilang hindi pabor. Pero dahil ang teacher namin ang may sabi, wala silang nagawa kundi um-agree na lang.
"Be friendly to Rheena okay kids?"
"Okay ma'am!"
Nahihiya akong limapit sa kanila. Binitawan na ni ma'am ang kamay ko at bumalik siya sa bench kung saan ako nakaupo kanina at mula doon ay tinatanaw niya lamang kami.
"Ikaw ang taya, since bagong sali ka." Sabi ni Dianna.
Tumango ako at walang naging reklamo. Tumakbo na sila at ako naman ay humahabol sa kanila. Nung una ay nakakangiti pa ako dahil sa wakas ay nakakapaglaro na ako. Pero nang tumagal, napapansin ko na sa tuwing may natataya ako, binabalik nila ito sa'kin agad. Wala silang ibang tinataya kundi ako palagi. Hanggang sa hinihingal na ako kakahabol at nawawalan na ng lakas tumakbo.
"I'm tired!" I said. Nayuko ako at nakahawak sa parehong tuhod ko habang hinahabol ang hininga ko.
Narinig kong tumawa ang mga kaibigan ni Yesha.
"That's what you get." Ngisi ni Patrick.
My feet hurts...
"Come on Rheena, you're no fun! Run after us!" Sigaw ni Jillian.
Nagpunas ako ng pawis sa noo saka pinilit ang sarili na tumakbo. Nakita ko si Patrick na nakatigil dahil may kinakausap siyang ibang bata na taga-ibang section. Hindi na nawala ang tingin ko sa kaniya habang tumatakbo ako. Sabay nila akong pero napansin ko ang pagngisi ni Patrick. Nakipag-apiran pa siya sa katabi saka siya tumakbo palayo sa'kin. Napaawang ang labi ko pero hindi pa rin natigil. Hanggang sa hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.
Hindi ko napansin ang paa na nakaharang sa dadaanan ko. Naging mabilis ang pagbagsak ko sa sahig. Sumakit agad ang noo ko at humapdi ang tuhod at palad ko. Habang iniinda ko ang paglagapak ng katawan ko ay siya namang lakas ng tawa ng mga nakakita sa nangyari sa'kin.
"Lampa!"
"Ang tanga naman!"
"What a clumsy nerd."
YOU ARE READING
Until You Found Me
RomanceRheena Gregorio is known for being a nerd in their school, lonely, bullied and doesn't have friends. She chose to, not because she's totally nerd but because her parents wanted her to be that way. In short, she has no freedom to show her real beauty...