Chapter 5

1 0 0
                                    

Rheena's Point Of View

PUMASOK AKO sa designated room na nakalagay sa assessment form ko. Nilibot ko ang tingin sa loob ng classroom at buti na lang ay kaonti pa lang ang mga students na nakaupo. Marami pang bakanteng upuan ang pwedeng pagpilian. Kumapit ako ng mahigpit sa shoulder bag ko saka ako naglakad habang nakatingin sa dulong upuan sa pina-sulok.

"Hoy, ikaw!"

I flinched at mabilis na napahinto. Napahawak ako sa salamin na nasa mata ko at kabadong lumingon sa sumigaw. Napatitig ako sa babaeng maangas na nakaupo at diretso ang tingin sa'kin. Sa tabi niya ay isang matangkad na lalaki na nakatayo at nakayuko sa babae na hindi naaalis ang tingin rito.

"M-me?" A-ako ba ang tinatawag niya?

Tumalim ang tingin nito sa'kin at sarkastikong tumingin sa kamay niyang nakaturo sa'kin. Kinabahan ako lalo. Mab-bully na naman ba ako? First day of class pero heto mukhang mauulit na naman ang na-experience ko sa dati kong school.

Nang makita niyang hindi ako gumagalaw ay tamad siyang tumango.

"Umupo ka na dito, maaagawan ka pa." She said. I got confused. Nakita niya 'yon kaya pasimple niya akong pinandilatan ng mata.

"O-oh, alright." Wala akong ibang magawa kundi ang sumunod. Nakayuko akong lumapit sa kanila.

Nang pumasok ang first subject teacher this morning, nagsimula itong mag-introduce and then calling student's name for attendance. Habang nagtatawag si ma'am ay may kumalabit sa'kin sa likod. Nilingon ko ito at ang lalaki sa likod ko ay may inabot sa'kin.

"W-what's this?" Hinaan ko lang ang boses ko.

"Bigay mo daw kay Diah sabi ni Val." Utos ng kaklase ko. Taka akong napatingin sa palad ko na may nakapatong na bubble gum.

"H-huh?" Napalingon ako sa katabi ng lalaki. 'Yon ata ang Viel na tinutukoy niya.

Nanlaki ang mata ko at halos malaglag ang panga nang mapagmasdan ko ito ng malapitan. Pamilyar na pamilyar ang hitsura niya sa'kin pero ang aura niya ang iba. Mas mukhang tahimik ang lalaking ito at walang ngisi sa labi. Walang emosyon itong nakatinging sa'ming dalawa ng kaklase ko.

H-hawig na hawig niya yung Viel na 'yon...

Don't tell me magkapatid sila? Hindi maitatanggi! Kitang-kita sa hitsura! Maloko lang ang unang nakilala ko pero itong si Val ay mukhang matino at mabait. Though, hindi siya friendly kung titignan pero unlike sa nakilala kong si Viel na very approachable nga pero puro kabastusan ang lumalabas sa bibig.

"Gawin mo na lang." Bulong na asik ng kaklase ko.

Kinabahan kami pareho sa tingin ni Val dahil tila naiinip itong maghintay sa dapat naming gawin. Nag-aalangan akong tumango at kahit dumoble ang pawis ang palad ko sa takot, hinarap ko ang katabi kong babae na tila palaging may kaaway dahil sa pagkakakunot ng noo.

"Y-you want?" Utal kong alok nang makitang matalim ang tingin niya sa'kin. Nakahinga lang ako ng maluwag nang tanggapin niya ito.

Hindi na ako mapalagay at tila inalis na sa'kin ang kalayaang maging payapa ang isip dahil sa mga possibilities na pumapasok sa utak ko. Kung nandito ang kapatid nung Viel na 'yon... it means dito rin siya nag-aaral? If that's true, I'd be doomed!

Umalis nga ako sa school na 'yon dahil sa mga hallucinations ko dahil sa kaniya, sa sobrang takot kong makaharap muli siya ay para na akong tangang tago ng tago, 'wag lang magtagpo ang landas naming dalawa. I want to forget everything that had happened. Lahat ng mga experiences ko sa school na 'yon, at ang pagkakamali ko 'nung gabing 'yon'. I want to close that chapter and proceed to the new chapter of my life, as a senior high student. Without any anomalies, without any commotions, and without getting bullied. I hope this time, God will give it to me this time. The peace of my school life.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 4 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until You Found MeWhere stories live. Discover now