Rheena's Point Of View
NAGPAHATID ako sa driver namin papunta sa school. I know wala na akong chance makahabol sa first class ko. Tumatakbo ako sa hallway para lang makarating sa room ko. Pero natigilan ako nang makita kong kausap ni Paul ang subject teacher ko sa may pintuan. Sabay silang lumingon sa'kin. Tinapik ng teacher ko ang balikat ni Paul at naglakad na. Nang madaanan ako ni ma'am ay tinapik din niya ang balikat ko.
"Don't be late next time Ms. Rheena."
Mabilis akong humingi ng paumanhin at yumuko. Nang lagpasan ako ni ma'am ay siyang paglapit sa'kin ni Paul.
"What happened to you last night that made so late today?" He asked with his eyebrow frowned.
"N-nothing." I can't look at him directly.
Sa sobrang kaba ko ay kahit alam kong naligo naman na ako, natatakot akong baka may maamoy siyang alak sa'kin. Sa pagkasabik ko kagabi, hindi ko na inisip kung gaano kadami ang nainom ko at hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.
"You weren't picking up your phone, I was calling you."
I gulped. "My phone's dead so I didn't bring it with me."
"Then get to your class." He sighed. "Let's talk later."
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat naming pag-usapan. Pero tumango na lang ako at pumasok sa room. Magkita daw kami mamaya sa labas ng gate. Hindi ko maiwasan maalala ang first encounter ko sa girlfriend niya. Sana hindi 'yon maulit.
Balak ko na talagang iwasan si Paul. Feeling ko rin kasi ay nagiging unfair ako sa kaniya. Wala siyang kaalam-alam sa feelings ko sa kaniya at wala rin siyang alam na nasasaktan niya ako. Unfair 'yon sa kaniya dahil wala siyang kasalanan doon. Kaya naman gusto kong bumalik ako kapag totally na nawala na ang pagtingin ko sa kaniya nang higit pa sa pagkakaibigan.
After class ay in-expect ko na maghihintay ulit ako kay Paul. Since hindi ko dala ang cellphone ko, hindi ko siya magawang i-text. Pero hindi ko na yata kailangan pang gawin 'yon. Dahil natanaw ko na agad si Paul sa gate.
Tatawagin ko na sana siya pero natigilan ako nang matanaw ko ang babaeng patakbong lumapit sa kaniya at niyakap siya. Napalunok ako at napako sa kinatatayuan. Si Yesha. Ang girlfriend ni Paul.
Malinaw kong napapanood ang pagngiti at paghalik ni Paul sa pisngi ni Yesha. Ang buong atensyon niya ay binigay niya rito. Nag-uusap sila habang magkahawak ng kamay. May kirot akong naramdaman sa puso ko at daig ko pa ang tino-torture.
Humigpit ang hawak ko sa aking palda. Kumuha ako ng pagkakataon para makalabas sa gate nang hindi ako nakikita ni Paul. Sumabay ako sa ilang students para sana matakpan nila ako, pero nabigla ako nang magtama ang paningin namin ni Yesha. Matapos niya akong makita ay agad siyang ngumiti kay Paul at pinatalikod ito upang hindi siya mapalingon sa gawi ko. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o ano.
Pero at least nang gabing 'yon ay hindi ako nakita ni Paul. Kung hindi, ipapakilala niya ako sa kaniyang girlfriend at hindi ko alam kung ano ang magiging akto ko sa harap nila matapos ng lahat ng mga sinabi ni Yesha sa'kin. Ramdam na ramdam ko naman na ayaw nito sa'kin. Kahit pa sa tingin ko ay wala naman akong ginagawang masama. Kung ang nararamdaman ko naman ang usapan, handa akong itago 'yon habang buhay. Para lang hindi ako makasira ng relasyon ng iba.
Tumagal ang pag-iwas ko kay Paul. Magi-isang buwan ata na madalang na kami mag-usap. Nagyayaya siya minsan pero nagdadahilan ako para tumanggi lang sa kaniya. Ni hindi na natuloy ang pag-introduce niya sa'kin sa girlfriend niya.
Nabawasan din naman ang pagbisita niya sa bahay. At nagiging maiksi ang palitan namin ng texts, at kung mag-uusap man ay limitado lang gawa ng busy din siya. Kaya akala ko hindi niya napapansin, akala ko normal lang sa kaniya lahat. 'Yon pala ay nakakaramdam na rin siya.
YOU ARE READING
Until You Found Me
RomanceRheena Gregorio is known for being a nerd in their school, lonely, bullied and doesn't have friends. She chose to, not because she's totally nerd but because her parents wanted her to be that way. In short, she has no freedom to show her real beauty...