CHAPTER ONE
FOR THE first time after Staergen left, Rizly felt alone. Aaminin niyang nasanay na siyang aalis at uuwi ng bahay na iyon nang naroon lagi ang pinsan niya. Most of the time, she takes Staergen's presence for granted. Palibhasa ay siya lang ang kamag-anak nito sa Maynila kaya hindi ito lumalayo sa kaniya.
Kagagaling lang niya ng airport dahil inihatid niya ito. May problema sa pag-ibig ang pinsan niya. Nahulog ito sa hindi ordinaryong lalaki. Not that she meant Jeron as an alien. Ang kaso lang ay isang public figure ang lalaki at tinitingala ito ng lahat. At inaamin din naman niyang nahumaling din siya sa kagaya nito. And to her, it's just normal.
Yeah, it's normal to be abnormal, baby.
Lumapit siya sa refrigerator at kinuhanan ng pineapple juice in can ang sarili. Nang maisara iyon ay nilibot niya ang kabuuan ng sala.
Ano ngayon siya? Multo-multuhan nang mag-isa?
Sana nga lang ay hindi na magtagal si Staergen sa naisip nitong paglayo. Imposible naman kasi ang gusto nitong mangyari na layuan si Jeron sa ikabubuti ng career nito. Maliit lang ang mundo. At duda siyang hahayaan ni Jeron na basta na lang mawala ang pinsan niya.
"Kailan ko kaya makikilala ang Jeron ng buhay ko?" wala sa loob na sambit niya at naupo sa sofa.
Hindi naman kasi pwedeng ganoon na lang siya habang-buhay, ano. Inaamin naman niyang nagpakasubsob siya nang todo sa anumang trabahong pasukin niya sa kagustuhan niyang hindi na umasa sa mga magulang niya. Malapit na siyang mag-twenty-five. At pakiramdam niya ay katapusan na iyon ng kalendaryo niya.
Oh, well. It's time na sumubok naman siya ng ibang bagay. Sapat na ang perang naipon niya. Paano kaya kung magtayo na lang siya ng sariling negosyo niya? And then, makipagsosyo na lang siya kay Staergen kapag stable na ang mga issues nito sa buhay.
THE NEXT day, naudlot ang pagkalunod niya sa kanyang paglalabada nang makarinig siya ng sunod-sunod na pag-door bell sa labas.
"Istorbo naman," usal niya habang pinapahid sa kanyang puting T-shirt ang kamay niyang may sabon.
Hindi na niya kailangan pang hulaan kung sino ang nagdu-door bell na iyon. Tiyak niyang ang kapit-bahay lang niya iyong tsismosa na mahilig makihingi ng toyo, asin, paminta at anupamang dapat ay binibili nito sa tindahan.
Wala na siyang pakialam kahit na nakaitim na cycling shorts lang siya. Tutal naman ay maraming naiinggit sa legs niya, walang masama kung ibalandra na lang niya ang mga iyon.
Sinuklay niya ng kamay ang alon-alon niyang buhok at saka nameywang. Bahagya pa siyang natigilan nang hindi naman si Aling Rosalia ang nakatayo sa labas kundi isang pamilyar na lalaki. Simple lamang ang porma nito kung tutuusin pero halatang branded ang itim na polo shirt nito at itim ding relo.
Nahiya siya bigla sa itsura niya. Parang gusto tuloy niyang magpaalam na magpapalit ng maayos at desente pero hindi naman siguro ito magtatagal kaya hindi bale na lang.
"Hi," pabuntong-hiningang bati nito.
Hindi ito nakatingin sa mukha niya kundi sa mga hita niya.
Mga lalaki talaga.
"Sorry, hindi ako interesado sa insurance. Illegal alien ako," sabi niya at nameywang.
"Ako ang boss ni Staergen. No'ng isang araw lang, nag-resign siya sa trabaho niya."
Lumapit siya sa gate at binuksan iyon. Imbes nga lang na papasukin ang lalaki ay siya ang lumabas ng gate.
Napasipol siya sa isip nang makita sa malapit ang nakaparadang sasakyan sa likuran nito.
BINABASA MO ANG
So Unexpectedly
Romance"SO UNEXPECTEDLY" TEASER: INAAMIN naman ni Rizly na isa siyang oportunista- oportunistang saksakan ng ganda. Nang tinakbuhan ng pinsan niya ang lalaking mahal nito ay hindi inaasahang makita niya sa labas ng kaniyang gate si Luigi- gwapo, matang...