[2] So Unexpectedly

7.5K 164 1
                                    

CHAPTER TWO

KAHIT na wala pang isang oras na nakaalis si Luigi ay natutukso na si Rizly na tawagan ito.

Luis Geronimo dela Vega pala ang buong pangalan nito.

"In fairness, kahit na mapanghing pakinggan, bumawi naman siya sa itsura," aniya habang nakapangalumbaba sa mesa ng kusina. Pumalatak siya at itinabi ang calling card. "Sana pala sinamahan ko na lang si Staergen nang hindi ako ang nabubwisit ng gwapong kolokoy na 'yon."

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang jeans at tinawagan ang pinsan.

"Hello, Rizly?"

Imbes nga lang na si Staergen ang sumagot ay si Tita Stella niya ang kanyang nabosesan.

Napa-adjust siya sa kanyang upuan.

"Tita, kumusta na si Gen-gen?"

Bumuntong-hininga ito. "Nagpapahinga pa rin sa kwarto niya hanggang ngayon."

"Alam niyo na po ba?"

"Oo naman. Hindi naman makakapaglihim ang batang 'yon nang matagal. Totoo bang nasa Amerika pa ang ama ng dinadala niya?"

"Opo, Tita. Alam kong mahirap paniwalaan pero nanggaling sila sa magkabilang mundo."

"Naiintindihan ko kung bakit mas pinili na lang niyang lumayo pero naniniwala akong matatauhan din siya."

"Sa tingin ko, Tita, kailangang malaman na ito ni Jeron."

Saglit na tumahimik sa kabilang linya.

"Tulungan mo ang pinsan mo, Rizly," pagkuwan ay wika ni Tita Stella. "Parang magkapatid na ang turingan ninyo, 'di ba? Ikaw lang ang maaasahan niya."

Huminga siya nang malalim.

"Huwag po kayong mag-alala. Gagawin ko ang lahat para kay Staergen kahit na magalit pa siya sa akin."

"Maraming salamat, Rizly."

HUMINGA siya nang malalim nang sa wakas ay may sumagot na rin sa kabilang linya.

"Hello?" came Luigi's sexy, lazy voice.

Alas otso na ng umaga pero kakagising pa lamang nito? Naku, hindi uobra sa kanya ang pagiging batugan nito kapag naging boyfriend na niya ito.

"Gusto ko lang klaruhin kung ito ba si Luis Geronimo dela Vega?"

"I told you it's 'Luigi'."

Pinigilan niya ang mapabungisngis. Mabuti naman at hindi na niya kailangang magpakilala rito.

"Binasa ko lang ang nakasulat dito sa ibinigay mo. Well, though hindi naman kita masisisi kung mas gusto mong gamitin ang palayaw mo na mas taong pakinggan."

"Iniinsulto mo ba ang buong pangalan ko?" may bahid ng pagkairitang tanong nito.

"'Yong pangalan mong mapanghi? Hindi."

Ang lakas mo rin naman kasing mang-alaska, hija, anang isang bahagi ng utak niya.

He yawned. "Nakapagdesisyon ka na ba?"

"Sort of."

"So makikipagtulungan ka na sa 'kin?"

"Sa isang kondisyon."

"You wanted something in return? Fine. Kung kapalit ba naman ng cooperation mo, e." May bahid ng excitement sa boses nito.

So UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon