Chapter 1 Meet them

75 10 2
                                    

Yhazzy's POV

'JANUARY'

"Aira, Juvie, Yhazzy" sabi ni Ellyne habang tumatakbo papalapit sa amin. Hinihingal siya.

"Ano yan Ellyne. Para kang hinahabol ng aso."sabi ko pero hindi niya pinansin yung sinabi ko.

'Nice talking Ellyne' sa isip ko.

"Hali na kayo may bagong pogi na transferee daw" sabay hila sa amin pero naka upo parin ako. Nandito kami ngayon sa Canteen habang lumalamon ako ng my dearest Chocolate Ice cream. Ayaw ko munang umalis ang sarap kasi ng chocolate eh. Kaya enjoy the moment muna ako.

"Yhazzy. Hali ka na. Punta na tayo kay Pogi" yan nanaman si Ellyne sa 'POGI' na yan. Basta pogi talaga nanghahabol eh.

Ako, slight lang. Nahawa kasi sa kanya. Haha

Simula nung mga bata pa kami ganyan na yan. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng Radar niya sa mga pogi eh. Ano pa ba ang magagawa namin. Eh ganyan na talaga siya.


"Eh diba Fourth Grading na?. Last Grading na eh. Ano naman ang dahilan nun?" saad ko. Eh sino naman kaya ang magtatangka nun. Sayang naman.


Anong mapapala mo sa school ma ito. Kapangyarihan nga naman ng pera. Hay

"Bayaan mo na at least madadagdagan nanaman ng pogi dito sa Saint Vincent Academy. Tsaka third year Section A pa daw. May advantage Yhazzy. May Advantage.!" sabi ni Ellyne habang niyuyugyog ako.

"Baliw na ata ito" sa isip ko

"Baliw" sabi ni Juvie, ang mataray kong best friend. Tinutulungan niya kami pag may nang aapi sa amin. Lumalaban rin kami. Pero parang siya yung ultimate weapon namin. Nasanay rin lang kami sa pagiging mataray niya. Maliban kay Ellyne na ayaw magpatalo.

"Tss. Sunget."-Ellyne

"Aba malay ko ba kung tama yang chismis na nasagap mo" sabay roll eyes.

"Kaya nga titignan para sure di ba?"-Ellyne

"Chismis nga di ba?"-Juvie

Nagpalitan sila ng masasamang tingin.

"Tama na nga yan! Mga isip bata!" sabi ni Aira. Tomboy yan. Dota player.Hindi ko alam kung bakit naging tomboy yan. Mahaba naman ang buhok niya. Ang ganda niya nga eh. Nahawa ata sa tatlo niyang kuya.

"Tsss."- Juvie

"Kasi"- Ellyne


"Sige na samahan niyo na ako" pagmamaka awa ni Ellyne.

At dahil na awa ako kay Ellyne.

"Samahan na natin si Ellyne para matahimik na." sabi ko

"Ikaw na lang ah" sabi ni Juvie.


'Totoo ng ang sabi ni Ellyne. Ang sungit niya.' sa isip ko.


"Pass muna ako dyan. Dota muna ako. At alam niyo namang hindi ko trip yang mga yan" sabi ni Aira. Tatakas nanaman yan sa school. Buti nga hindi siya nahuhuli ng gaurd.

At sabay alis nilang dalawa.
Nagmumukmok nanaman si Ellyne. Paano wala siyang laban sa dalawa.

Habang nagmumukmok si Ellyne napatingin siya sa akin.


"So. You and me"sabay akbay sa akin tapos ngiti . "Sitting on a tree.K-I-S-S-I-"-Ellyne

Lumayo na ako agad sa kanya.

What A Coincidence: Kiss [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon