Chapter 4 Family

48 7 0
                                    

Image ni Andrei sa Side----->
Ang cute niya no?

-------------------------------------------------------------------------------------------

Adrian's POV

Pagdating ko sa bahay, Sinalubong na ako agad ni Andrei na may hawak na libro. Bunso kong kapatid. 10 years old. Dalawa lang naman kaming magkapatid.

"Kuya" salubong ni Andrei sa akin na nakangiti. Alam ko ang mga ngiting yan. Ngiting may kailangan.

"Ano nanaman ang kailangan mo?" tanong ko sa kanya at napatawa siya.

"Kilala mo talaga ako. Kuya paturo naman ako mamaya sa assignment ko"

"Sige. Hintayin mo na lang ako mamaya sa kwarto mo"

"Thank you Kuya" sabay takbo papuntang salas.

"Kamusta ang bagong school anak?" lumingon ako sa taong nagtanong at nakita ko ang makulit kong nanay. Kagagaling lang sa Kitchen. Naka apron eh.

"Ok lang po, Ma" sabi ko sa kanya at dumeretso na sa hagdanan.

"Yan-yan" sabi ni mama at napatigil ako sa paghakbang ko sa hagdanan at lumingon sa kanya.

"Ma! Huwag na akong tawagin sa pangalang iyan. Hindi na ako baby" sabi ko.

Tumawa lang siya.
"Kahit anong gawin mo. Baby parin kita. Naalala ko pa nga nung bata ka pa ang hilig hilig mo sa kulay pink......" sabay tingin sa taas habang nakadikit ang dalawang palad niya sa right side ng baba niya.

Malala na ito. Hindi ko na lang siya pinsin at nagpatuloy sa paghakbang sa hagdan.

"Siya nga pala anak. Punta ka mamaya sa office ng papa mo. Kakausapin ka daw niya." habol niya.

"Opo"

Pagpunta ko sa kwarto ko nagpalit na ako agad at dumeretso sa office ni papa.

Kumatok ako sa pintuan.

"Pasok".

Pumasok na ako. Nadatnan ko siyang nagsusulat sa mga papeles.

"Kamusta ang bagong School anak?" sabi niya at huminto sa pagsusulat. Humarap siya sa akin at ngumiti.

"Ok lang po"

"Mamaya yang 'ok lang po' na iyan mapunta sa 'may nililigawan na po' ha?. May nililigawan ka na ba?" tanong niya ng nakangiti.

Mas malala pa siya kay mama.
====________==== #.

"Hindi po iyon mangyayari." sabi ko.

"Bakla ka ba Adrian?" Nagulat ako sa tanong ni papa.Naningkit agad ang mga mata ko.


"Pa, hindi po ako BAKLA! Study first muna. Sagabal lang yan sa buhay."

"Hmmm. Dapat lang pagbutihin mo ang pag-aaral mo dahil ikaw ang mamamahala sa ating company." sabi niya habang nilalaro ang ballpen niya sa kamay.


Hindi niyo lang naman ako tanungin kung anong gusto kong kunin para sa akin?

Nagnod nalang ako sa kanya.

"Sige na po Pa. Una na ako. Tuturuan ko pa si Andrei" 

Akmang tatalikod na ako sa kanya pero napatigil ako sa kanyang nasabi.

"Pero, kung sa tingin mong sagabal lang yang LOVE na yan. Then so be it. Pero one day kakainin mo rin iyang sinabi mo."

Hindi ko narinig yung huling sinabi ni papa dahil binulong niya na lang ito.

Tuluyan na akong umalis sa office ni papa. Nakakawalang ganang isipin na ang isang bagay na gusto mo makuha ay hindi mo makamit dahil maraming nakaharang sayo.

Napabuntong hininga nalang ako at pumunta na sa kwarto ni Andrei.

Yhazzy's POV

Nandito na ako sa tapat ng pintuan. Napalunok na lang ako at pinihit ang pintuan. Nagsign of the cross muna ako.

Hingang malalim Yhazzy. Huwag kabahan. Kaya mo yan.

'Pihhhht'
(sound effect yan sa pagbukas ng pinto.^_^)

Pagbukas ko ng pinto. Sinalubong na agad ako ni papa.

"Bakit ang tagal mong umuwi Khayle Yhazzy Reyes?" sabi ni papa habang nakacross arms at naniningkit ang mga mata.

Oh no!!! Full name. Tinawag niya ako sa Full name ko. Ibig sabihin ay lagot ako.

Magsasalita na sana ako kaso ininunahan na ulit ako ni papa.

"Siguro nagpapaligaw ka no? O kaya may ka-date ka? O baka may boyfriend ka na?!" sabay turo sa akin.


Seriosly papa=_=  . May nanliligaw sa akin?!. Sa mukha kong ito? Well, cute naman ako na maganda pero hindi ako matalino at magaling sa kahit ano!. Ang layo ng gap.

Pero seryoso may lalaki bang balak manligaw sa akin? Kahit boyfriend nga wala ako. Manliligaw pa kaya?

Pa, nakakainsulto ka na eh.

Ay meron pala akong manliligaw!. Si JB pero alam ko para kay Juvie siya nakatadhana. Nasa instinct ko lang na may nararamdaman si Juvie kay JB. Manhid lang siya.

Ano ba yang iniisip mo Yhazzy dahil sa kakabasa sa Wattpad. Gumugulo na ang utak mo.

"Oh ano? Hindi ka makasagot dahil may boyfriend ka na. Sinasabi ko na nga eh. Tsk tsk tsk." habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa bewang sabay iling ng ulo.

Ano Yhazzy?! Sabihin mo na.
Eto na talaga. Hingang malalim.

"Pa una wala po akong boyfriend ok" pagtatama ko. "Pero merong manliligaw." sabi ko ng pabulong.

"Ano!? Manliligaw?!!"\(0o0)/ gulat niyang sabi parang babawian na ng buhay.


"Pa study first muna. Natagalan lang kasi akong umuwi dahil nadtention ako." bigla ko na lang sinara ang bibig ko dahil nagulat ako sa nasabi ko.

"Nadetention? Hmmm" sabay hawak sa baba niya at tingin sa taas. Tapos tumingin ulit sa akin.

Napalunok nanaman ako sa mga tingin niya.

"Ano ba ang dahilan kung bakit ka nadetention?"

Huminga muna ako ng malalim at kwinento ko lahat sa kanya ang nangyari. Simula sa canteen hanggang sa room pero iniba ko yung pumunta kami kay Adrian. Sinabi ko sa kanya na sa sobrang dami ng kinain namin nakatulog kami ni Ellyne. Nung nalaman naming late kami ayun tumakbo na kami ni Ellyne at tuloy tuloy na.

Alam kong sobrang lame ng palusot ko. Pero ayun naniwala naman.


"Ok Yhazzy, dahil dyan sa ginawa mo. Magtratrabaho ka sa Coffe Shop natin tuwing sabado hanggang sa katapusan ng February"

"Opo" sagot ko agad habang nakangiti.


Hahaha. Libre naman ang pagkain duon eh.

"At huwag mong usipin na libre ang mga pagkain doon dahil ikaw ang magluluto ng pagkain mo. Kung ayaw mong magluto bumili ka na lang ng iyo."

Uwaa. Nadale ako dun akala ko libre na yun pala hindi. Sayang naman oh. TT_TT

"Opo" at ngumiti ulit ako sa kanya.

Si papa na kasi ang nag-alaga sa akin simula nung namatay si mama sa Car accident nung 8 years old palang ako. Kasama ako sa accident pero nakaligtas ako pero si mama hindi. Ang lakas pa naman ng paglabugok sa ulo ko noon. Baka iyon yung dahilan kaya mahina ang utak ko. Pero maayos naman ang lagay ko ngayon.

Mabuti na lang at hindi nilulong ni papa ang buhay niya sa puro bisyo. At hindi rin siya nambabae. Lagot yun kay mama. Kaya nga idol ko si papa. Matatag parin siya kahit wala na ang ibang mahal niya sa buhay.

______________________________

Itutuloy......

What A Coincidence: Kiss [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon