Prologue

18 1 0
                                    


Prologue:

   Si Thomas Gabriel at Tamarrah Ayesha ay matalik na magkaibigan. Simula pa lang pagkabata, lagi na silang magkasama dahil sa mga magulang nila. Noong elementary sila, wala silang mga kaibigan. Tanging silang dalawa lang ang nagdadamayan, kapwa kasi silang walang ayos sa sarili at pareho pang laging may suot na salamin. Yun kasi ang bonding nilang dalawa, ang magbasa lagi ng libro. Lagi ding may nambubully sa kanila kaya talagang hindi na sila umaalis sa tabi ng isa't isa.

Habang lumalaki sila ay dun lumabas ang kanilang kakaibang hobby, -ang magpustahan o pagkakaroon ng deal. Naroon ng pinagpustahan nila ang pagkain, laruan, school, at iba pang mga bagay na sa tingin nila para sa kanila ay masaya. Ang bawat manalo sa kanila ay magkakaroon ng isang wish.

Nang tumuntong sila ng high school, doon na nagsimula ang lahat. Dahil sa impluwensya at pangkukutya ng iba, napilitan silang baguhin ang mga itsura nila. Natuto na silang mag-ayos ng mga sarili nila. At nagkaroon na rin ng mga kaibigan.

Isang araw, isang bet ang napagkasunduan nilang dalawa na nagpabago ng buhay nila. At doon sila tuluyang nagbago.

Let's Have A Deal!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon