Chapter Three

20 0 0
                                    


Thomas' POV

Nakakinis talaga yun si Tam! Naisahan na naman niya ako. Ano na naman kaya ang wish niya ngayon? Last time kasi na nanalo siya sakin puro kahihiyan ang inabot ko. Gusto niyong malaman kung anong nangyari? Sige eto...

Flashback

"Handa ka na bang gawin ang wish ko Thom? Hahahaha!" ngumiti siya ng pang -asar at tinignan ako na parang may binabalak siyang masama. Grabe! Best friend ko ba talaga to? Bakit ang sama niya sa akin? Huhu!

"Ayoko! Best naman! Bat kailangang ito ang wish mo? Hindi ba pwedeng iba na lang?" pagmamakaawa ko, baka sakaling mapapayag ko siya, kaso sadyang matigas ata itong kaibigan ko.

"Best..." hinawakan niya ako sa balikat at tinap tap niya ito, " Pagbigyan mo na ako. Alam mo namang malungkot ako nitong mga nakaraang araw diba? Isipin mo na lang, kapag ginawa mo ito, mapapasaya mo na ng tuluyan ang best friend mo at hindi ko na masyadong didibdibin ang pagkamatay ni Potchi. Ayaw mo namang nalulungkot ako diba? Diba?" ngumiti siya sa akin at parang hinihikayat niya akong sumang-ayon sa kaniya. Haaaay...

"Sige na nga. Pasalamat ka talaga mahal kitang loko ka!" ginulo ko ang buhok niya at tinapik naman niya ito. Tinawanan ko na lang naman siya.

"Game na nga!"

Kinuha niya ang video recorder niya at ini start na niya ang pag kuha ng video. Ako naman, sa una nag-alinlangan pa pero nung nakita ko ang paawa effect na naman niyang mukha ay nag start na din akong gumiling.

Sinasabayan ko lang ang nakakaewang tunog ng 'zeebow dance' habang si Tamarrah ay walang ginawa kundi tumawa ng tumawa. At potek lang! Ipapa panood niya daw tong video kila mama! Aish! Nakakahiya talaga! Humanda talaga sakin tong babaeng to kapag ako na ang nanalo sa deal namin. Sisiguraduhin kong magsisisi siya na pinagawa niyang ito!

End of flashback

Sa tuwing talaga naaalala ko yung huling pinagawa niya sakin at kung paano ako pinagtawanan ng pamilya ko dahil dun, naiinis ako. Lagi na lang kasi niya talaga akong nauuto, lalo na sa mga paawa effect niya. Nako! Yung babaeng yon talaga-!

Teka, speaking of... si Tamarrah ba yun? Yung kausap ni Tyler na bully?

Pinakatitigan kong mabuti at saka ko nakumpirmang si Tamarrah nga! Aba, ano kayang pinag-uusapan nila? At mukhang seryoso pa sila ah.. Hmm, matanong nga mamaya tong babaeng to.

Iniwas ko na ang tingin ko sa kanila at nag umpisa ng maglakad papunta sa klase ko. Hindi kasi kami magkaklase nun ni Tamarrah, IV-1 ako siya naman IV-2. Medyo matalino *ehem* kasi ako. Haha, joke!

Pagpasok ko dito sa classroom andyan na naman yung mga tingin nila. Kahit na anong gawin ko, kahit na sinubukan kong maging friendly sa kanila, wala, ganun pa din. Tss, hayaan na nga. Andyan naman si Tam Tam na best friend ko at mahal na mahal ko.

Nag-umpisa na ang klase at ang lahat ay nakatutok sa pakikinig sa teacher. Nakikinig lang ako nang biglang may sumipa sa paa ko, tinignan ko yung katabi ko na si Jewel.

" Bakit?" pag mamaang maangan niya.

"Bakit mo sinipa yung paa ko?" tanong ko sa kaniya. Minsan ko lang nakakausap si Jewel, kapag lang may activity or something na related sa school. Kahit na lagi kaming magkatabi sa room, hindi niya ako kinakausap.

"Hala siya! Bakit ako yung pinag bibintangan mo?" tumingin tingin siya sa paligid para siguro ipaalam sa akin na hindi lang siya ang pwedeng gumawa non kundi marami pang iba.

"Eh ikaw lang naman kasi ang katabi ko. Saka sa banda mo may sumipa sakin eh." tinitigan niya akong mabuti ng ilang sandali bago unti- unting ngumiti.

"B-bakit?" nauutal utal na tanong ko sa kaniya. Hindi ko kasi makuha yung ugali niya. Sa ilang beses na nagkausap kami, iba't ibang mood na ang napakita niya. Minsan masaya niya akong kinakausap tapos nginingitian pa niya ako, minsan naman bigla na lang akong mamalditahan. Hindi ko alam kung bipolar ba siya o ano? Haaay, mga babae nga naman.

"Wala naman. Alam mo..." linapit niya sakin yung mukha niya kaya napaurong ako at napalunok. Ano ba to! Anong ginagawa niya? "...ang cute mo pala!" saka siya tumawa ng mahina. Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya at parang uminit yung paligid ko. Nang makita niya yung reaksyon ko, mas lalo siyang natawa.

"A-ano bang p-pinag sasabi sabi m-mo?" aaminin ko, maganda si Jewel. Hindi lang maganda, napakaganda. May lahi kasi siya kaya naman sadyang napakaputi niya at talagang nakakaakit yung ganda niya.

"Well..." hinawakan niya yung collar ng uniform ko at pinaglaruan ito habang nakatitig pa rin sa akin. "Matagal na talaga kitang napapansin. Kahit na ganyan, I mean... hindi ka nag-aayos ng sarili mo, naku cutan pa rin ako sayo. Tapos ang talino mo pa, payatot ka nga lang. Pero sigurado ako, tanggalin mo lang yang eye glasses mo tapos, magpataba ka pa ng kaunti, naku! Sobrang gwapo mo na!" hindi ko alam kung maniniwala ba ako dito kay Jewel o ano. Para kasing seryoso siya na hindi eh. Pero, paano nga kaya kung mag-ayos na ako ng sarili ko?

Pagkatapos niyang sabihin ang mga yon ay bumalik na siya sa dati niyang ayos. Tumingin muna siya sa akin sandali at kinindatan ako bago bumalik sa teacher namin ulit ang tingin niya na parang walang nangyare. Nakatitig pa rin ako sa kaniya ng mga ilang segundo bago ako nag-iwas ng tingin at nakinig na lang sa teacher. Mamaya ko na nga lang ulit iisipin yung mga sinabi niya.

**

Pagkatapos ng klase ko ay dumiretso agad ako sa room ni Tam Tam. Pagkadating ko doon ay nakita ko siyang naghihintay sakin sa labas. Himala! Hahaha!

"Aba Tam! Himala ata at ang bilis mo nakalabas ngayon?" kinuha ko yung mga makakapal na librong dala niya at nag-umpisa na kaming maglakad pauwi. Magkalapit lang kasi yung mga bahay namin eh.

"Syempre naman! Nagbago na ata to!" pagmamalaki niya pa.

"Talaga lang ah? Baka naman bukas niyan, mamuti na naman yung mata ko kakahintay sayo? Hahaha!"

"Grabe ka... Hindi naman ako ganun katagal no!" sumimangot siya kaya naman tawa ako ng tawa. Ang cute talaga nitong best friend ko. Pero teka...

"Sandali pala." huminto ako sa paglalakad kaya naman napahinto din siya.

"Bakit?"

"Kanina kasi bago ako pumasok ng room, nakita kitang kausap yung si Tyler. Anong meron? Bakit ka niya kinausap?" umiwas siya ng tingin at nagpatuloy na sa paglalakad kaya sinundan ko na lang siya.

"Ahh, wala naman. Pinagtitripan lang ako nung lokong yun. Alam mo naman diba? Malaki saltik nun sa ulo eh. Hahaha. Eh ikaw? Anong nangyare sa room niyo ngayon?" halatang pilit yung tawa niya pero hindi ko na lang masyadong pinansin. Saka ko lang naalala yung sinabi sakin kanina ni Jewel.

"Wala namang gaano. Pwera na lang sa kinausap ako ni Jewel." napatingin naman siya sakin saglit pero agad ding binalik yung tingin niya sa daan.

"Oh? Anong sabi niya?" napansin kong malapit na pala kami sa bahay niya. Nauuna kasi yung bahay nila sa amin eh.

Kwinento ko naman sa kaniya lahat, wala akong kinalimutan. Ganyan kasi kami, walang sekreto sa isa't isa.

"Oh ano? Gusto mo, punta tayong mall sa Sabado. Bili tayong contact lens." aya ko sa kanya. Nandito na kami sa bahay nila kaya huminto na kami. Tinignan niya ako.

"Sorry Thom, may kailangan kasi akong gawin sa Sabado eh. Mukhang magiging busy na nga ako nito sa mga susunod na araw. Baka hindi na kita masamahan, kung gusto mo sa susunod na lang." parang may mali sa kaniya ngayon. Kanina naman hindi siya ganyan eh.

"Ah, o sige. Sa susunod na lang. Mukhang pagod ka, pasok ka na saka magpahinga. Kita na lang ulit tayo bukas sa school. Bye." niyakap ko siya bago marahan na tinulak papasok sa gate nila.

"Oo sige. Babye! Ingat ka." nginitian niya ako bago tuluyang pumasok sa loob. Napailing na lang ako at saka nagsimulang maglakad paalis.

Anong kayang problema niya?

Let's Have A Deal!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon