Chapter One

28 0 0
                                    

Chapter One - When we're young.

**

"Thoommm!" tawag ng isang anim na taong gulang na batang babae sa kalaro niya.

"Bakiiit?" masiglang tugon ng bata.

"Punta tayo sa puno natin!" aya ng batang babae sa kalaro niya. Nasa kwarto sila ng batang lalaki ngayon at tinatapos ang kanilang takdang aralin. Sinarado nito ang kwaderno niya at niyugyog ang bata.

"Huh? Sandali lang, tatapusin ko muna to." balewalang sagot ng batang lalaki sa babae.

"Eeehh! Tapos kana kanina pa kaya! Nagdradrawing ka lang eh! Sige na kasi!" pagpupumilit ng batang babae.

"Sandali lang, tatapusin ko lang to."

"Hmpf! Mas gusto mo pa yan! Sige na! Dyan ka na nga! Ako na lang mag-isa. Babye na!" at nagmartsa eto paalis. Hindi lumingon ang lalaki dahil alam niyang babalik ulit ito. Pinagpatuloy niya lang ang kanyang ginagawa hanggang sa may umagaw ng notebook niya sa kaniya.

"Kasi naman eh! Tara na kasi! Isusumbong kita kay mommy-tita sige ka!" pananakot ng batang babae. Natawa na lang ang kalaro niya at tumayo na sabay kurot sa magkabilang pisngi nito.

"Araaaaayyy! Bitawan mokoooo!"piglas ng batang babae.

"Ikaw talaga Tam Tam! Hahaha. Sige, tara na nga! Baka umiyak ka pa eh." inayos nito ang salamin niya saka hinila ang kamay ng kaibigan palabas.

"Ma, labas lang kami saglit." paalam nito sa kaniyang ina.

"Okay sige, umuwi kayo agad. "

"Opo!"sabay at nakangiting sagot ng dalawa.

Bago umalis ang dalawa, kinuha muna nila ang librong hilig nilang binabasa. Pagkadating sa punong lagi nilang tinatambayan, ay nagtalikuran na silang dalawa para magbasa. Sa kanan ang batang babae at sa kaliwa naman ang isa.

Habang abala ang dalawa sa pagbabasa, ay may grupo ng mga bata ang lumapit sa kanila at hinablot ang mga libro nila.

"Owww! Andito pala ang mga pangit nating kaklase." anunsyo ng isang batang lalaki sa mga kasamahan niya kaya nagtawanan ang mga ito. Napatayo naman sa gulat ang magkaibigan at naglapit sa isa't isa.

"Ano na naman bang gusto niyo?"tanong ng batang si Thom sa mga batang kaharap niya. Itinago niya ang kaibigan sa likod niya kahit na siya rin ay natatakot.

"Wala naman. Gusto lang namin kayong pagtripan. Ang papangit niyo kasi eh!" sabi naman ng nasa gitna.

"A-aalis na kami." sambit ng batang si Tam at hinihila na ang kamay ng kaibigan.

"Sige, umalis na kayo. Pero samin na tong mga bulok niyong libro!"

Nagkatinginan ang magkaibigan at dahan-dahang tumango. Mahigpit ang kapit nila sa isa't isa at nagsimula ng tumalikod para umalis. Habang naglalakad paalis ay may naramdamang silang mga maliliit na bato ang tumatama sa kanila kaya naman nagsimula na silang tumakbo.

Hingal na hingal silang napaupo sa isang bench di kalayuan sa punong pinagtatambayan nila.

"Dapat pala hindi na tayo pumunta dun! Nakakainis! Hindi ko pa nga tapos basahin yung libro na yun eh!" mangiyak-ngiyak na saad ni Tam. Hinawakan naman siya sa ulo ni Thom at ngumiti sa kaniya.

"Hayaan mo na. Bukas bibili na lang tayo ulit ng bago. Isipin mo na lang at hindi grabe yung pantitrip na ginawa nila sa atin ngayon. Naku kundi! Tsk tsk tsk." umiiling na sabi ng bata at ipinakita ang braso niya.

"Kungdi ano? Eh takot na takot ka nga kanina! Sus! Hahaha." tawa ng babae. Nakitawa na lang rin ang lalaki.

"Grabe ka Tam Tam! Malaki kaya ang muscle ko. Tignan mo." at inilapit niya ang braso niyang kunwariang may malaking muscle.

"Hahaha. Oo na! Sige, may muscle na." tumatawa pa ring saad ng bata. Napanguso ang batang lalaki kaya lalong natawa ang batang babae.

Hanggang sa makauwi sila, walang humpay na tawanan, biruan at kwentuhan lang ang nangyari sa kanilang dalawa. Hindi na nila inisip pang muli ang pangti trip na ginawa kanina sa kanila ng kanilang mga kaklase at kinalimutan na lang ang lahat na tila hindi ito nangyari.

Ganun talaga siguro no? Kapag bata ka, wala ka pa masyadong problema. Puro masasayang bagay lang ang naiisip niyo. Sana habang buhay na lang tayong bata, para wala na tayong iniisip pang iba.

Let's Have A Deal!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon