ang pangangailangn ay mga bagay na dapat na meron sa'yo para ikaw ay mabuhay. kagaya na lamang ng mga pagkain, tubig, o tahanan. ang kagustuhan naman ay mga bagay na ninanais mong makuha pero hindi naman ito ganun kaimportante para ikaw ay mabuhay. parang ito yung mga bagay na nagbibigay lang ng kaligayahan sa'yo. para lang masatisfy mo ang iyong sarili.
Ang pangangailangan o basic needs ay katulad na lamang ng mga mahahalagang bagay na kailangan natin para mabuhay katulad ng damit, tirahan, at pagkain.Nagbabago ang pangangailangan ng tao sa paglipas ng panahon hanggang sa maghangad tayo ng ating kagustuhang luho o luxury. Katulad na lamang ng pagkakaroon ng cellphone at laptop, noon di naman talaga to kailangan subalit sa pag unlad ng teknolohiya, nagiging pangangailangan na rin ang mga ito.
Ang Konsepto ng Pangangailangan at KagustuhanPosted on by Kagustuhan at Pangangailangan
Ang tao ay mayroong walang katapusang kagustuhan at pangangailangan na kailangan niyang matugunan. Gaano man karami ang mga pinagkukunang-yaman kung walang hanggan naman ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao, hindi rin mabibigyan ng solusyon ang suliranin sa kakapusan. Ang kaalaman ukol sa kagustuhan at pangangailangan ng bawat isa ay makatutulong nang malaki sa paggawa ng mga desisyong may kaugnayan sa suliranin sa kakapusan.
Isa sa basic needs ng isang tao ay ang pagkain.
Pangangailangan – ay mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay kabilang dito ang mga basic needs – damit, pagkain, at tirahan. Kapag ipinagkait ang mga bagay na nakatutugon sa mga pangangailangan ng tao, magdudulot ito ng sakit o kamatayan.
Kagustuhan – ang paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang pangangailangan (basic needs). Ito ang mga bagay na maaaring wala ang isang tao subalit sa kabila nito ay maaari pa rin siyang mabuhay. Hinahangad ito ng tao sapagkat ito ay magbibigay kaginhawaan, kasiyahan, kaunlaran, at karangalan.
Teorya ng Pangangailangan ni Maslow
Abraham Harold Maslow, isang Amerikanong psychologist na nagpanukala ng hirarkiya ng mga pangangailangan ng tao.
"People are motivated to achieve certain needs. When one need is fulfilled a person seeks to fulfil the next one, and so on." -Maslow (1943)
Ang hirarkiya ng mga pangangailangan (Hierarchy of Needs) na ito ay kadalasang inilalarawan sa anyo ng isang piramide:
Physiological needs (pisyolohikal) – ang pinakamababang bahagi ng piramide, kabilang dito ang mga bayolohikal na pangangailangan sa pagkain, tubig, hangin, at tulog.Safety needs (pangkaligtasan) – ito ay nauukol sa mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan sa buhay, kabilang dito ang katiyakan sa hanapbuhay at kaligtasan.Love/Belonging needs (Pangangilangang makisalamuha, makisapi at magmhal) – ito ay nauukol sa pangangailangang panlipunan tulad ng pakikipagkaibigan at pagkakaroon ng pamilya dahil sa kailangan ng tao ang pagmamahal at pagtanggap ng ibang tao.Esteem needs ( pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga ng iba)– nauukol sa pagkakamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao.Actualization (pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkato) – ang pinakamataas na antas sa hirarkiya. Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa kanyang sariling potensyal, ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao.
Batay sa teorya, nagagawa lamang matuon ng tao ang kanyang pansin sa mas mataas na antas kung napunan na ang nasa ibabang antas.
Teorya ng Pangangailangan ni McClelland
David McClelland, isang Amerikanong psychologist, ayon sa kanya, may mga pangangailangan ang tao na natatamo sa matagal na panahon at hinuhubog ng mga karanasan
Nagawa (achievement) – inilarawan ni McClelland ang katangian at saloobinng taong may mataas na pangangailangan sa nagawaAng nagawa ay higit na mahalaga kaysa mga gantimpalang material at salapi.Ang makamit ang layunin ay nagbibigay ng personal na kasiyahang higit sa makatanggap ng papuri at pagkilala.Mahalaga ang feedback upang masubaybayan ang pag-unald na nakamit.
2. Kapangyarihan(Power) – ito ay may dalawang uri – personal at institusyonal
Personal – ito ay kadalasang hindi maganda dahil sa pagnanais na magtuos sa ibaInstitusyonal – ito ay nakatuon sa mga pagsisikap upang maging maayos ang layunin ng samahan
3. Pagsapi (affiliation) – ang pagsapi ay nagnanais ng maayos na pakikisalamuha sa ibang tao at kailangang makadama na sila rin ay tinatanggap ng ibang tao.
Ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao ang itinuturing na pinakaugat ng suliraning may kaugnayan sa kakapusan. Kaya nararapat na maging matalino sa pagpapasya ukol sa paggamit ng may kakapusang pinagkukunang-yaman. Kinakailangang bigyang-tuon ang mga bagay na makapagbibigay sa tao ng higit na kapakinabangan at kasiyahan.