May mga taong sinuswerte talaga. Yung tipong lahat ng pangarap natutupad, lahat ng gusto nakukuha. Pati yung mga mahal nila, nagiging mahal na rin sila. Sila yung mga taong... ewan? Swerte? Siguro.
Haaaaay. Hanggang pangarap ko na lang yun. Kasi ako yung tipo ng taong mataas ang pangarap. Well hanggang pangarap na lang yun. On the other hand ako din yung tipo ng taong 99.9% ng buhay walang pag-asang matupad yung mga gusto ko. NOTHING GOES RIGHT e.
Kaya nga, hindi na'ko masyadong nagpapaniwala sa mga fairytale na yan! Mga happy ending? Mga to infinity and beyond. Suuuuuus! Bola.
Nagsimula yun nung bata ako, bata pa lang ako marunong nako sa mga trabahong bahay. Lagi akong pinahihirapan. Lagi akong inaasahan. Lagi din kasi nag-aaway sina mama at papa. Lagi akong inaapi ng mga kapatid ko. Nagsisikap akong mag-aral mabuti. Gusto ko sana maging proud sila sakin. Gusto ko kahit minsan makarinig ng magandang bagay mula sa kanila. Hanggang ngayon trying hard parin ako. Hanggang ngayon ganun parin buhay ko. Mga classmates ko ewan ko kung totoo ba sila. Madalas kasi inaapi din ako. Madalas din pinag-uusapan ako.
Parang feeling ko nga ang malas malas malas malas ko na e.
Haaaaaaaaay! Can anything get anymore worse?
