[Heart's POV]
"Hi my name is Heart Gonzales, I'm from Tagaytay City but I live here at Quezon City. I can be nice but only if you're nice to me, too. I'm 14 years old. Thats all! Good day."
"Okay, heart you can sit at any vacant seats. Class, be nice okay?" Sabi ni ma'am habang naghahanap ako ng uupuan ko.
May nakita akong vacant seat sa likod. Dun na lang ako umupo. At tsaka, first day pala ngayon. Nagtransfer ako ng school kasi dito na assign magtrabaho si mama.
"Class. Goodmorning again. Today we are going to clean our classrooms first, then after that you can have your recess, then I will give you your class schedule and then you can go home already since today we will have a half day only. That's all. So, grab your brooms and rags and lets start cleaning."
Nagsitayuan na yung buong klase tapos kumuha na ng mga panlinis. Kumuha ako ng basahan tapos lumapit ako sa may bintana at sinimulan ko nang magpunas.
Nung papalapit ako sa bintana, may sumabay na lalaki.. Naglakad kami ng sabay. Nung nagpupunas na ako, tumabi sia sakin tapos nagpunas din. Ang wierd nia. Grabe. Stalker na pahalata? Yung tipong ganun. May babaeng lumapit sakin tapos kinausap ako.
"Hi ako si Kristeen. Ikaw si.... Heart? Tama ba?"
"Oo. Nice meeting you." Tapos nginitian ko sia. Ang ganda nia. Kahit ang dumi ng hawak niang basahan ang linis parin niang tignan."
Tumawa sya. "Grabe lang yung mga sinabi mo kanina ha? Natawa ako dun sa sinabi mong mabait ka pag mabait din kami."
"Hahahaha. Ganun naman talaga kasi ako e."
Hindi na natapos yung usapan namin. Ang daldal nia lang. Sabay na kami kumain. Nung uwian na ininvite pa nia ko sa bahay nila. Kaso nakakahiya kaya tumanggi ako sabi ko next time na lang. Tumawa lang sia tapos nagbyebye na.
Wala pa akong planong umuwi. Ayoko sa bahay kase nga alila ako dun. So, naglakad-lakad ako around dito sa town. May nakita akong magandang tambayan. Waiting shed sia pero parang abandonado na. Tapos may nakita akong small market malapit sa tambayan. Sa tabi nun may mall. Ang ganda ng lugar na'to.
Naghanap ako ng coffee shop sa may mall. Nung may nakita ako, tumakbo ako papunta dun. Eeeh, na-excite ako kung anong lasa nung coffee e. Baka masarap!
Nung tinitignan ko na yung menu, natatakam ako... Parang ang sasarap kasi e.
Pero kinapa ko muna yung bulsa kung may pera pa ba ako. Baka kase ma-short ako e.
Kaso, pagkapa ko.... OMGGGGGG! Walang wallet!
Napatayo ako sa inuupuan ako. Agad akong tumakbo palabas nung cafe, binalikan ko yung mga pinuntahan ko around the mall, pag tingin ko dun malapit sa rest rooms, may nakita ako.
Parang familiar sia.
Hm?
Ahhhh! Sia yung classmate ko! Yung sabi ko na wierd.
Nilapitan nia'ko. O_______O
"E-e-eto oh. Nalaglag mo."
"Ahhh. Salamat." Baket sia nauutal?
Nginitian ko na lang sia tapos tinalikuran na sia.
Well, tinamad na'ko bumalik sa cafe kasi baka mawala ko nanaman tong wallet ko. BAD WALLET! BAD!
So yun! Naglakad-lakad ulit ako... May nadaanan akong bahay na nagbebenta ng scramble. Woooow! Gusto ko nun. Nkita ko may gatas na nilalagay sa ibabaw. Sakto, pagod pa naman ako kasi nga kinakabahan na ko nung nawala ko yung wallet ko. So, bumili ako.^________^
After nun, nagmadali na ako pauwi. Nadaanan ko ulit yung tambayan na nakita ko.
Tumambay muna ako saglit, dun ko inubos yung scramble ko. Ang saraaaaap! Tapos nun, tumakbo na'ko pauwi. Lagot na ako kasi madilim na, e di pa'ko nakakapaglinis.
Nung malapit na ko sa kanto ng bahay, sumakit yung tagiliran ko. Kumain kasi ako tapos tumakbo. Parang shunga lang. 'di ko namalayan, nadapa ako.
ARAAAAAAAAAAAY! =_________= Napaupo ako sa gilid ng kalsada.
May narinig akong tumatakbo papalapit sakin,
Guess who? Sia na naman. Yung classmate ko ulit, yung guy na weird. Tinulungan nia ko tumayo tapos inalalayan hanggang nakadating sa tapat ng bahay. My wound is bleeding kasi e. Nakakahiya naman, lalaki pa naghatid sakin. Nagulat na lang ako,
"Okay ka na ba?"
"A-ah. Oo." Bigla nia kong binitiwan tapos muntik na'kong madapa na naman sa sahig. Buti na lang naalalayan ko sarili ko. Tumakbo na lang sia bigla.
Sabi ko sa inyo, weird sia e. "Thank you palaaa!" Pasigaw kong sabi nung nasa may kanto na sia. Tapos nun, pumasok nako ng bahay, ginamot yung sugat ko tapos ginawa ko na yung dapat kong gawin.
