"Aalis ka?" mangiyak ngiyak kong tanong sa kanya.
"Kath sorry, pero kelangan kong gawin to" sagot niya sa'kin habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Dj please... *iyak* huwag mo kong iwan.." sabi ko sakanya. Umiiyak na talaga ako..
"Please Dj..... Please....." Bumuhos ang malakas na ulan at kasabay ng pagpatak nito ay ang pagpatak ng mga luha galing sa mata ko. Hindi ko na kaya. Ansakit ng puso ko.. Napayuko na lang ako at napatingin sa lupa.
"Kath..." pinunasan niya ang luha ko gamit ang kamay niya.. Inangat niya ang mukha ko, hindi ko parin siya tinitingnan. Hindi ko kaya. Mas lalo lang akong maiiyak tuwing nakikita ko ang mukha niya at iisiping aalis na siya.
"Kath......." Nakatingin na ako sa kanya. Mas lalo akong naiyak at niyakap ko na siya.
"Babalik ako, PROMISE" sabi niya sakin sabay halik sa noo ko.
"Pangako, babalikan kita Kath.. Hintayin mo ko.." at umalis na siya.
-end of flashback-
At yun na yung huling salitang binitawan niya sa'kin saka umalis na.
' PROMISE ' babalikan niya ako. Dalawang taon na rin ang nakakalipas simula nung umalis siya pero alalang-alala ko parin ang mga nangyari dun sa huli naming pagkikita. Hintayin ko raw siya. Kung ako lang ang tatanungin,Oo kaya ko siyang hintayin kahit gaano pa katagal. Pero siya ba kaya niya akong hintayin? o baka tuluyan na niya akong kinalimutan kasabay ng pagalis niya sa araw na yun? 2 taon na ang nakalipas. Marami ng nangyari at maraming tao na rin ang dumaan sa buhay naming dalawa. Sa pagbabalik niya, kasabay din bang babalik kung ano mang meron kami noon o tuluyan ng kalimutan ang lahat ng pinagsamahan namin dahil may iba na siya ngayon? Masakit mang isipin at mahirap mang tanggapin pero paano kung yun nga yung mangyari? Kakayanin ko kayang mawala siya sa buhay ko? Kaya ko kayang tanggapin na binali niya ang kaisa-isa niyang PANGAKO?
Kath's POV:
Hi ako pala Kathryn Chandria Manuel Bernardo. 4th year Highschool na ako ngayon. Ako ang kaisa-isang anak ng parents ko na parehong nasa abroad ngayon. Si Ate Lorna, na yaya ko simula nung bata pa ako lang ang kasama ko sa bahay kasama yung iba pa naming katulong. Mayaman kami pero nanatili parin akong simple at matulungin sa kapwa lalong lalo na sa mga mahihirap. Mahirap mabuhay ng wala ang mga magulang sa tabi mo. Pero kahit papaano ay nakakayanan ko naman dahil andyan yung Bestfriend kong si Julia, ang buong Barkada at lalong lalo na si Dj. Dalawang taon na rin ang nakakalipas simula nung umalis siya. 2nd year pa kaming dalawa ng mga oras na yun.
Oo aaminin kong masyadong emosyonal yung huli naming pagkikita pero sasabihin ko lang sainyo na hindi kami magkarelasyon. Oo gusto namin ang isa't-isa, mahal namin ang isa't-isa pero masyado pa kaming bata nun at pareho naming alam yun. Okay lang kina Mommy at Daddy si Dj dahil simula bata pa kami ay kilala na nila eto at magkaibigan pa ang mga parents namin. Sabi ni daddy kay Dj na pwede niya na raw akong ligawan pag 4th year na kami. Kaso ang masaklap lang ay kailangan nilang umalis dahil nagkaroon ng problema sa pagitan ng pamilya nila dun sa States at kinailangan niyang dun muna mag-aral pansamantala habang hindi pa ayos ang problema sa pagitan ng pamilya nila.
Dalawang taon siyang nawalay sa'kin. Miss na miss ko na siya. Eh ako kaya namiss niya rin ba? Ako parin ba ang mahal niya o nakahanap na siya ng iba? Ang sakit isipin pero kailangan kong tanggapin ang mga manyayari sa hinaharap. Masaya man o malungkot, kelangan kong tanggapin ang lahat ng yon dahil ito yung tinadhana para sa amin. Sana nga lang kaya niyang panghawakan yung pangakong ibinigay niya. Mahal na mahal ko siya kaya hindi ko kakayaning mawala siya sa buhay ko. Hindi pwede.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
-Swizzle26 :) give me some feedbacks readers ^ ^
Comment
Vote
Be a Fan :DD
BINABASA MO ANG
"Broken Promise </3" (Short Story)
Fanfiction*PROMISES means everything, but after they are BROKEN, sorry means nothing. -- PROMISES are meant to be BROKEN ika-nga, pero tama nga bang paasahin mo ang taong minahal ka ng sobra? -- Kaya mo bang pakawalan siya kung pati puso mo ay hindi pa kayang...
