Chapter 2

126 2 5
                                    

Kath's POV:

Setting: Kwarto ni Kath

"Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiingggggg!" tunog ng alarm clock ko. 5:00 am pa lang ay gising na ako. First day of school namin ngayon at first day ng pagiging senior ko. Sabik na akong makita ulit ang mga dati kong kaklase at ang Barkada ko lalong lalo na si Julia.

Naligo na ako at nagbihis na rin. Pababa na ako ng kwarto ko para kumain ng bigla kong nakita ang picture naming dalawa ni Dj sa mini-desk ko. Naka-frame ito at handmade pero maganda ang pagkadisenyo. Binigay sa'kin to ni Dj bago siya umalis papuntang States. Kinuha ko ito mula sa mesa at hinawakan ko yung mukha niya sa picture.

"Miss na miss na kita alam mo ba yun? Bumalik kana kasi para masagot na kita" sabi ko habang hawak hawak parin ang picture namin.

"Kath? Hindi ka pa ba bababa? Kakain na tayo" tawag sa'kin ni ate Lorna. Binaba ko na yung picture at bumaba na rin ako para mag almusal.

Maya-maya pa ay dumating na rin yung sundo namin. iisa lang ang sundo naming magBabarkada kasi nakatira lang rin naman kami sa iisang subdivision. Kinuha ko na yung bag ko at nagpaalam na kay ate Lorna para umalis.

Setting: Sundo nilang Van

"Hi best! namiss kita ah? So kumusta naman yung summer mo?" masyang bati sa'kin ni Julia sabay yakap sa'kin.

"Ok lang naman. Eh kayo ba kumusta yung sa inyo?" tanong ko naman sa kanila

"It was awesome! ^ ^" sagot naman ng barkada

"Pero Kath, sigurado ka bang okay ka lang? Alam mo kasi sobrang laki ng pinagbago mo simula nung... alam mo na." tanong sa'kin ni Niel. 

"A-ah, oo naman no. sus! matagal na yun" sagot ko as i gave them a fake smile. Oo, nagbago nga ako simula nung umalis si Dj. Hindi na ako masyadong sumasama sa mga gala namin ng Barkada. Ewan ko ba pero siguro sobrang miss ko lang yung si Dj. Sana nga bumalik na siya.

"Pero girl, kelan ba ulit ang balik niya? Miss na miss ko na rin si Dj eh" tanong sa'kin ni Kiray.

Hindi na ako sumagot at nagkibit balikat na lang. Ilang minuto ang nakalipas at dumating na rin sa kami sa school. Grabe! sobrang namiss ko to' Eh noon naman hindi ako ganito kasabik pumasok ulit eh simula nung umalis si Dj pero ewan ko lang kung bat ngayon sobrang excited ko. May nararamdaman akong kakaibang mangyayari sa taong to. Sana nga yun na yung iniisip ko. Na bumalik na siya.

Setting: Loob ng Classroom 

Pagkatapos naming magpakilala lahat ay inayos na kami ng aming adviser ayun sa aming sitting arrangement. Nakakapagtaka kasi nilagyan ni bakanteng upuan sa tabi ko. Para kanino kaya to?

"Okay class now that your on your respective seats i woud like to give some annuoncements. Kung napapansin niyo na may bakanteng upuan sa tabi ni Ms. Bernardo, *sabay turo sa tabing upuan ko* ay dahil may transferee student tayo galing sa States. Kaya nga lang hindi siya nakapunta ngayon kasi bukas pa ang flight niya papuntang Pinas kaya im requesting all of you to show HIM around the campus para hindi siya malito. Understood?" ano? transferee? States? HIM? O.o Bigla akong kinabahan..

"Broken Promise </3" (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon