Epic fail para kay Candy ang makilala si Romuel. Dahil para sa kanya, kahit oozing with gorgeous appeal ang binata, katulad lang ito ng ex-boyfriend niya at ng iba pang mga lalaki—babaero at manloloko. Lalo na at hindi rin maganda ang naging first encounter nila. Muntik na kasi siyang masagasaan ng sasakyan ni Romuel sa gitna ng bagyo, sa panahong brokenhearted siya at sa lalaki pa niya naibuhos ang lahat ng sama ng loob.
Pero immune yata si Romuel sa lahat ng ginawang pagtataray ni Candy. Sa halip ay niligawan pa siya ni Romuel at nakipag-close sa nanay at kapatid niya, na hindi niya mapaniwalaang botong-boto sa binata para sa kanya!
At mukha ngang makamandag ang kaguwapuhan ni Romuel. Kahit kasi itanggi, sa paglipas ng mga araw ay unti-unti na ring nagagayuma si Candy ng mapang-akit na ngiti at tingin ng binata. Kaya naman ginusto na rin niyang pagbigyan ang puso na mag-move on at ma-in love uli. Pero nang aaminin na niya kay Romuel na mutual ang feelings nila para sa isa't isa, saka naman niya nakitang may ibang babaeng hinahalikan ang binata.
BINABASA MO ANG
Bittersweet Candy
Romance"Nang sinabi kong mahal kita, totoo 'yon. Kung tatanungin mo ako kung bakit, paulit-ulit lang kitang sasagutin na dahil mahal talaga kita. Hindi ko na kailangang maghanap ng dahilan. Dahil kahit may mahanap man ako, iyon na talaga ang nararamdaman k...