MALAKAS na ulan ang bumungad kay Candy pagkalabas niya ng bakeshop nila. Magsasara na sila dahil sa malakas na bagyong paparating. Baha na rin sa daanan kaya minabuti nyang pauwiin nalang ang mga crew nila at magsara ng maaga. Ang kaibigan niyang si Lianna na katuwang niya sa business na iyon ay abala sa pag-aayos ng gamit nito.
"Li, tara na," untag niya sa kaibigan.
"Masyadong malakas ang ulan. Candy. Baka magkasakit lang tayo. Hintayin muna kaya nating humina ng kaunti?" Suhestyon nito habang nakatingin sa labas.
"Sabi sa balita kanina, mas lalakas pa daw ang ulan. Baka ma-stranded lang tayo rito, mag-alala pa sila Inay." Aniya. Inabot niya rito ang isang payong.
Napabuntong hininga na lamang ito. "Sana hindi tayo magkasakit nito." Halos pabulong na wika nito. Binuksan niya ang payong habang nakatingin sa malakas na pagbuhos ng ulan.
"Hayaan mo na. Kung magkasakit, e'di magpagaling. Ang mahalaga, nakauwi tayo. Ang mahalaga nakalayo tayo sa mga pwedeng manakit pa sa atin."
"Ayan ka na naman, Candelline Julliet. Humuhugot ka na naman."
"Pati ba naman kasi ulan, sasaktan lang ako. Lahat nalang gusto akong bigyan ng sakit."
Ibinukas na rin nito ang payong at kinuha ang gamit. "O' sige, bago ka maiyak diyan, umalis na tayo. Baka mas malakas pa sa buhos ng ulan, ang iyak mo."
Lumakad na sila at sinugod ang malakas na ulan. Sa lakas ng hangin, kahit naka-jacket pa siya ay nanunuot pa rin sa balat niya ang malamig na haplos niyon. Malakas na inihahangin ang mahaba niyang buhok na hanggang baywang. Pati ang mga puno ay wild na nagsasayaw sa tugtugin ng malakas na hangin. Pati tuloy ang payong niya ay bumaliktad na at trinaydor siya. Napasigaw si Li nang liparin ang payong niya. Tinanaw lang niya ang payong niyang tinangay na ng hangin.
Lumapit sa kanya si Lianna. "Hoy Candy, okay ka lang? Makisukob ka nalang sa akin."
"Okay lang, Li. Sanay na akong nawawalan."
Hinampas siya ni Lianna sa balikat. "Ano ka ba, Candy! Hindi 'to ang tamang oras para magdrama ka. Pati payong dinadramahan mo!"
"Pati kasi payong, iniiwanan ako." Sagot niya.
"Basang-basa na tayo ng ulan o'! Yan pa inuuna mo. Tara na! Makisukob ka nalang dito sa payong ko—Ay!" Napasigaw ito nang bumaliktad ang payong nito. Kinuha niya ang payong nito at pinatay iyon.
"Nagpapayong ka pa, eh nababasa ka din naman ng ulan. Why keep something, na hindi ka naman pinoprotektahan? Niloloko mo lang ang sarili mo."
"Lunurin kaya kita diyan. Candy naman! Nilalamig na kaya ako, tara na! Sa ibang araw ka na magdrama!" Hinila na siya ni Lianna. Patakbo silang nagtungo sa pinakamalapit na waiting shed. May mangilan-ngilan silang kasama roon na kapwa nag-aabang ng masasakyan. Nanginginig na sa tabi niya si Lianna. Basang-basa na rin silang pareho sa ulan. Niyakap na rin niya ang sarili. Kahit naka-jacket siya, tumatagos pa rin sa kalamnan niya ang lamig. Nami-miss niya tuloy ang mainit na sopas na luto ng kanyang Inay.
BINABASA MO ANG
Bittersweet Candy
Romance"Nang sinabi kong mahal kita, totoo 'yon. Kung tatanungin mo ako kung bakit, paulit-ulit lang kitang sasagutin na dahil mahal talaga kita. Hindi ko na kailangang maghanap ng dahilan. Dahil kahit may mahanap man ako, iyon na talaga ang nararamdaman k...