1

59 3 0
                                    

December 17.  Ang petsa kung kailan naging kami ng lalaking minahal ko ng totoo at todo sa loob ng tatlong buwan at labingwalong araw. Hindi kami dumaan sa ligawan basta nalang naging kami.

Malambing kasi siya at isa siyang ka Clan mate ko noon. Dun ko siya nakilala.

"Hoooy Dessa! Tulalado ka nanaman!" Sabi ng pinsan ko.

"Aba sorry naman! Boring eh!" Nilingon ko siya. Nandoon siya sa may pinto habang ako ay nasa Coffee table sa garden. Nakikitambay nanaman itong pinsan ko saamin.

Boring naman talaga e. Sa sobrang boring naisip kong isipin ang nga isipin sa isip ko lalo na ang mga alaala namin ni Macko. Unti unting binabalot nanaman nang lungkot ang puso ko. 

Hanggang alaala nalang pala talaga kami ngayon. Wala nang nagpapasaya sakin. Wala na mga mensaheng dumadating na kulang nalang lumabas ang mga antik at langgam sa screen namin pag magkatext.

"Wooooh!" Epal -_- "Lokohin mo lelang mo! Iniisip mo lang si Macko! Wag ka na dun! Ang panget panget may gana pang mang timer! Sa ganda mong yan naghanap pa ng iba! Woooooh!" Masyado siyang hyper. Puros pasigaw tuloy. Sugar rush nanaman siguro.

"Psh. Manahimik ka nga dyan Venus! Binubulabog mo tahimik kong buhay eh! Tss!"

"Oo na oo na! Chill men. High blood eh! Sinabayan mo pa init ng araw! Pft. Galaw galaw sa tag araw Dessa. Iligo mo nalang ng mawala yang init mo -- Init ng ulo mo. Bwahaha"

Tsaka ko lang narealize yung sinabi niya. Green joke nanaman!

"Venuus! Umagang umaga nag gagaganyan ka nanaman!" Bastos na bata tss. "Babae ka ba talaga? Manahimik ka lang dyan! Kaonting hinhin naman dyan parekoy. Pft. Hahahaha. Kaya di ka nililigawan ni Denver e."

Binigyan niya ako ng weird na tingin. Oh ano ka ngayon? HAHAHAHAHA

"Ikaw! Ikaw nga dyan umagang umaga nag e-emo. Mag lagay ka ng eye liner para more effect. Mag pa bangs ka na din ng mahaba at makapal. one sided pa para perfect. Hahahaha" At tumawa nanaman ang Loka. Tinapunan ko siya ng seryosong tingin na alam kong makukuha niya.

"I surrender pero wititit I SHALL RETURN! HAHAHA! \(//∇//)\" At umeskapo na nga siya ng tuluyan. Nanonood na ng TV. Putspa. Abot dito ang volume e.

Pero sana hindi nalang pala siya umalis. Napapaisip nanaman tuloy ako. Pero kung andito siya aasarin nanaman niya ako. Ano ba Dessa. Umayos ka. Nakakatanga ka na. Malulunod nanaman sana ako sa pag iisip pero nagulat ako nang biglang may Kumanta sa may likuran ko.

♪♪ Nanghihinayang~ Nanghihinayang ang puso ko~ ♪♪

"Venuuuus!" Gusto kong ibaon ang kamay ko sa mukha niya para sa Ultimate Facepalm. Gusto kong itapon tong banko sakanya. Kaso huwag na pala. Tinatamad ako. Kaya binato ko nalang siya ng tsinelas na tumama naman sa noo niya.

"Amazona! Putspa! Walang awa! King ina!" Ratatatatat!

"Bwisit. Bibig mo!"

"Labyu too. Kissable to"

"Putspa! Loko mo!"

At nag tawanan kami. Hindi ko maitatanggi ang ngiti at saya saakin kahit papaano. Masaya ako sa pamilyang meron ako. Solong anak ako kaya maswerte akong may pinsan akong ganito kaingay at kakulit. Halos mag kaedaran lang kami. Ang parents namin pareho ay nag tatrabaho sa company ng lolo namin. Kaya kahit ganitong may kulang sa aking pagkatao dahil itinangay ng ex ko ay masaya ako at magiging mas masaya pa.

A/N

Andami pala talagang error pero same joy yung binigay sakin nito while writing this story before and editing this story now. I hope you enjoyed it too kahit super short and cliche. ^^,

The Struck of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon