2

40 4 3
                                    

Current Event.

March 31. Sunday.

Nasa garden ulit ako as usual. Dito tambayan ko e sobrang presko nakakaalis init ng ulo sa ingay ng balahura kong pinsan. Ilang araw na tong ampon na pinsan ko dito sa bahay. Wala kasi mga kapatid kaya tambay samin. -_-

"Dessaaaaaaa!" Speaking of. "Hoy! Linggo ngayon! Magsimba naman tayo."

"Hala siya? Akala ko nasusunog ka don?"

"Sobra ka naman! Maingay lang ako at madumi magisip." Tumawa ako sa isip ko. Pakapanget ng itsura kala mo batang nagtatantrums e 23 na siya. Jusmiyo.

"O sige sige. San tayo magsisimba tsaka anong oras ba?" Ngumiti lang ang kingina. Baka di pagsisimba aatupagin nito ah?

"Alas tres. Mag ayos ka na ng 1:30 napakabagal mong mag ayos dessa baka alas singko tayo makapag simba may curfew pa tayo kila tito."

"Okay sige. Ipaalam mo nako kay papa." Strict parents ko umpisa nung magbreak kami ni Macko. Pwede akong puntahan pero bawal ako pumunta. Kapag sunday bawal lumabas ng bahay unless mag sisimba. Kapag na late ka ng uwi confiscated nanaman gadgets. May grace period naman na 30 minutes para bumyahe.

Umalis na si Venus pero maya maya lang narinig ko nanaman sigaw niya na pumayag daw si papa.

Alas onse na ng umaga kaya naisipan ko na maligo para mas mabilis makapag ayos. Nag tanghalian na din kami pagkatapos.

"Venus. Tara na." Pinuntahan ko siya sa kwarto niya. Yung guest room parang kanyang kwarto na din yun.

"Anong tara na?" Hindi pa siya nakaayos. Sabi niya agahan ko tapos siya nag seselpon pa. Aba.

"Eh diba magsisimba tayo?" Naguguluhan kong tanong.

"Sinabi ko bang ngayong linggo? Sabi ko lang linggo ngayon at magsimba naman tayo. Di ko sinabing mag simba tayo ngayon." Inis ko siyang tiningnan. Halos wala akong maintindihan sa sinsabi niya kaya tinalikuran ko na pagkatapos.

"Hoy! Jonks lang naman! Hahahahaha eto na mag bibihis na! Hahahahaha di ka naman mabiro nako! Tatanda kang panget niyan insan!" Bwisit. Pumunta nalang ako sa sala para hintayin siya dun. - 2:30 na nung dumating kami sa simbahan. At sobrang inis ko nang makita ko kung saang simbahan ako dinala ng impakta. Gusto ko nalang i drive uli yung kotse at iwan yung gaga.

"Tara na Dessa" Naka ngising yaya niya sakin. Bwisit na to. Kikita mo babawian kitang leche ka.

Habang nag lalakad, pinagtitinginan kaming dalawa. Agaw pansin kasi ang ganda namin pero syempre humble lang. Naka nude wrap dress ako na hanggang tuhod, fliplops at simpleng bag lang habang si dessa naman naka puff sleeve midi dress at naka boho sandals and bag. Pinilit kong huwag lingunin sa may gilid ng simbahan dahil may mga bagay na ayokong maalala.

* Flashback *

December 23

"Hon, tara simba tayo bukas. 4:00am po okay? I love you" Tinext ko siya bago matulog. Since December naman ngayon madami kaming oras para mag kasama. This is why masyado kong mahal ang Christmas Season.

"Sige po Hon ko. Sleep ka na para huwag tayo malate bukas. I love you too." Napangiti ako ng pumayag siya. Magkikita nanaman kami bukas. Excited na ako! Feeling ko namumula na agad ang pisngi ko. Ano nanaman kaya mangyayari bukas? Grabe. Kikiligin na ata ako ngayon palang. Hahahaha. Sobrang ngiting ngiti ako habang nagrereply.

"Dream of me Hon" Kilig na kilig na sabi ko.

"Dream of me too Princess. :) I love you a thousand times po."Sabi nila korny at paulit ulit daw pero sa taong inlove walang korny korny. At siguro oo, paulit ulit nalang talaga. Paulit ulit akong kinikilig sakanya kahit sa mga simpleng banat niya.

The Struck of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon