3

32 3 0
                                    

A/N

Flashback pa rin to mga beshy ~
Pasensya na kung nakakalito ang setting. :(

__________________________________________

Nag daan ang ilang mga araw at ngayon mismong araw ay ika unang buwan namin. Madami na din kaming mga lugar na napuntahan pa pero kahit ganun di naaalis ang pag punta namin sa iba't ibang simbahan.

Pakiramdam ko sobrang tagal na namin dahil sa dalas naming magsama. Kaninang umaga pa kami nag batian. Halos wala ngang katapusan eh. Paulit ulit kasi. Pero nakakatuwa.

Habang palapit ang araw nitong monthsary namin ay nakapagplano ako ng isang surpresa. At eto na ang hinihintay kong araw.

Inabot ko ang phone ko at nag type.

"Hon, busy ka ba?"

"Hindi naman. Wala naman masyadong gawain e. Bakit?"

"Basta. Uhm. Gusto ko sanang iinvite ka dito sa bahay. :)"

*Ring Ring*

Nagulat ako ng biglang mag ring ang phone ko.
Akala ko pantext lang meron ang lalaking to. Improving, may pantawag na. Hahahaha.

"Ano ba yan Dessa, baka mamaya hahalayin mo lang ako. Mag dadala na ba ako ng Condee?" Sa boses niya palang halata ng nangaasar ang kumag. Green minded talaga to. Ts.

"Umayos ka. Baka ipanguya ko sayo yan na condee mo" mas lumakas ang halakhak niya kanina kaya kahit hindi niya makita ay umismid nalang ako.

"Ikaw naman hindi ka mabiro. Joke lang yun. Alam mo namang pinangiinatan at ginagalang kita"

"Wow pare. Paki inform naman ako kung buwan na ng wika para makapag handa naman ako ng saya"

"Tsong. Hindi ka talaga nainform? Hahahaha. Eto nga ako o, naka barong tagalog"

"Umayos ka Macko. Pinapatahi ko pa ang saya ko at pinapakuha ko na ang bakya ko" Hindi ko mapigilan ngumiti sa sarcasm at kakulitan naming dalawa.

"Sige na nga. Mag aayos na ako. Happy Monthsary ulit Hon. See you."

"See you too"

January 17 ngayon and I have decided na ipakilala ko siya sa mga relatives ko. Since wala ang parehong parents ko dahil sa isang linggong out of town nila may lakas loob akong ipakilala siya sa relatives ko. Sila kasi yung taong marunong tumanggap at makisama. Nakakaintindi rin sila ng sitwasyon. Kaya masaya sila sa kung saan ang bawat isa masaya.

*bzzt bzzt*

"Hon. Andito na ako" Nasa tambayan ako ng second floor kaya dumungaw ako para makita siya. And goodness he's stunning! Napaka hot niya and so handsome. Napansin niya ako kaya kumaway siya. Kumaway din ako at mabilis na naglakad pababa.

"Hi honey" tapos kiniss niya ako sa cheeks. Nako. Ang mga ngiti grabe. Nakakatunaw.

"Hello. Tara pasok ka."

Since naka gather na yung mga relatives ko dun sa garage dun kami pumunta. Kinakabahan ako ng kaunti. First time ko tong gagawin. Ohmygash.

"Ehem" nagsitinginan sila auntie saakin "May I proudly present. Char lang. Uhm auntie, uncle and relatives. Siya po si Macko. Boyfriend ko po."

All out smile kaming pareho hindi ko alam kung naka ngiwi ba ako o ano. Halo kasi eh. Kinakabahan din ako ng sobra.

"Ayie"

"Hello"

Binigyan nila siya ng warm welcome. Pinaupo at inayang kumain. Pero hinahanao ko yung dalawa kong nakakatandang pinsan na lalake. Spoiled ako sakanila pero super protective sila pag dating saakin. Kapatid sila ni Venus. Ewan ko sa mga yun. Di naman ako yung bunso sa mag pipinsan pero mas spoiled pako kesa sa kapatid nila. Hahahaha sorry venuuus.

The Struck of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon