Matapos ng monthsary namin ay nabawasan na yung pagkikita namin ni macko. Graduating engineering student palang ako sa edad na 22.
Hindi man ako gagraduate with flying colors at hindi man ako kasing busy ng mga honored students ay busy pa din ako. Pft.
Sobrang tambak ng school works namin na dapat gawin at malapit na din ang final term exam.
Last week na ng February ngayon. Ibig sabihin malapit na ang graduation.
Nandito kami sa isang zoo. May film project kasi kaming kailangan ipasa. Ewan ko ba kung bat kailangan namin ng film project.
Naipasa namin yung project at nakatapos na din kami sa final thesis defense namin.
School pictorial nalang ang kulang at pageensayo sa pagmamarcha para sa graduation ceremony.Almost three days after naming pumunta sa Zoo kumati ng sobra ang paa ko. Eto na ang umpisa ng kalbaryo ko.
Akala ko ay normal lang yun. Kagat ng lamok na hindi ko napansin pero unti unting nagka Blisters ako sa paa ko. Maliliit palang sila nung una kaya uminom ako ng antihistamine pero kinaumagahan ay namaga na siya. Halos hindi ako makapaglakad pero pinilit kong makapasok para sa practice. Hanggang sa dumami sila at lumaki ang blisters ko. Mas sobrang maga na din ng paa ko na halos hindi na ako makapagsapatos. Kaya after 5 days ay nag pasya na sila mama na mag pscheck up ako.
"Kuya. Ang sakit." Nag volunteer sila kuya Matt na sumama sakin sa Check up ko. Mangiyak iyak ako habang nasa byahe.
"Pa, malapit na ba tayo?" Tanong ni Kuya Matt kay Uncle Bob.
"Malapit na"
"Konting tiis nalang Princess. Bakit ba kasi pinilit mong pumasok tapos pinatagal mo pa yan. Edi sana mas naagapan natin" Sabi sakin ni Kuya Gil
"Kasi kuya baka wala man lang akong alam sa Graduation Rites eh"
"Ano ka ba naman Des. I eexcuse ka non at sisingit ka lang naman dun" medyo naiinis na si Kuya Gil.
"Sorry na Kuya" Yumuko nalang ako habang iniinda ko yung kirot. Di na ako nag suot ng tsinelas o sapatos.
"Ano pa nga ba? Kami na muna bahala sayo. Wala pa naman sila Uncle. Kelan uwi nila?"
"Uuwi sila 2 days before graduation. Gusto kasi nila sila ang bibili ng pang handa"
"Sino ang magluluto sainyo, Dessa?" Tanong ni Tito
"Hindi ko po alam kung yung Family chef natin o mag papa cater po"
"Pwede naman yung Family Chef natin. Siya nalang kumuha ng katulong niya. Tutal kayo lang naman ang may occassion kaya wala naman ibang aasikasuhin si Chef"
"Sige po uncle, i susuggest ko nalang po kila Pa"
Mga ilang minuto matapos ng usapan nakarating na kami sa Dermatologist. Yung family doctor kasi namin hindi niya hawak ang ganitong case ko. Dapat daw sa skin doctor ako so may tinawagan siyang clinic at dun kami pumunta.
"Good Afternoon, Doctora" Sakto yung dating namin. Pagpasok kasi namin kami na agad ang susunod. Pumasok kami sa kung saan si Doctora.
"Good Afternoon" nakangiting bati niya saamin. Jusme. Dermatologist nga talaga. Ang kinis. (*☻-☻*)
Tiningnan niya yung condition ng paa ko. And sabi niya Mas okay nga raw yung akin kasi yung ibang case nito is buong katawan samantalang ako sa lower part lang. Ehem. Excluding the private area of course.
So ang cause niya daw is Viral Infection. Medyo severe daw kasi yung sipon ko at akalain mo halos mag two two weeks na akong may sipon. Mas lumala pa daw yung sa paa ko dahil sa allergic reaction sa isang gamot. Tinanong niya lahat ng ininom kong gamot. Lahat yun pinalitan. Mas namaga din daw yung paa ko dahil pinilit ko pang pumasok at mag sapatos. Binigyan din ako ng cream at isang bottle ng ewan para lumiit at mawala yung tubig sa loob ng blisters. Parang pang compress siya. Hot compress.
BINABASA MO ANG
The Struck of Time
Teen FictionA typical not so love story. Medyo cliche. I just wanna practice my writing again and share my thoughts. May halong personal experience hulaan niyo nalang kung alin. HAHAHAHA