Chapter 11- Tears

145 21 1
                                    

"Kuya!" Sigaw ko.

"Ano?" Tanong niya.

"Sabihin mo nga sa akin. ANO BA ANG TOTOO?!" Sigaw ko, nagulat siya pero hindi siya nagpadaig.

Ang katotohanang sinasabi ko ay kung bakit galit na galit siya kay Taehyung.

"Ano bang pake mo?!" Sigaw niya sa akin.

"Bakit ka ba nagkakaganyan?! Ano bang meron sa Taehyung na yan?!" Sigaw niya pa sa akin.

Taehyung, Taehyung pala.

Oo nga naman, bakit nga ba ako nagkakaganito? May patutunguhan ba tong pag tulong ko sa multong yun?

"Kuya.. Sabihin mo na sa akin. Please." Sincere na pakiusap ko.
Nagbuntong hininga siya.

"December 4, is the date when that day happen—" Naputol ang sasabihin niya nung may tumawag.

Nakita ko kung sino yun.

Angel.

"Bakit di mo sinagot?" Tanong ko.

"Because I dont want to answer it." Pilosopong sagot niya.

Tch.

"Oh really? Tell me. Tell me the real reason, bakit galit na galit ka sa kanila?"

"May relasyon si Taehyung at Angel, nung kami pa. Alam mo ba ang sakit! Kaibigan ko at girlfriend ko tapos ginago ako?!" Sigaw niya.

Sila? Naging sila? Hindi ko alam kung bakit nang lambot ako pero di ko inaasahan ang lumabas sa bibig ko.

"Iyan lang ba ang dahilan? Iyan lang ba?! Tangina mo! Ang bobo mo! Saan mo nalaman at bakit Hindi mo muna inalam?! Pano kung hindi totoo yun?! Tiyaka bakit ipagpipilitan mo ang sarili mo sa taong di ka na mahal. Ay, minahal ka nga ba?" Ako, sabay ngisi.

"Wala kang alam!" Sigaw niya.

"Ikaw ang walang alam! Hindi mo ba alam na nasa hospital si Taehyung?! Kuya, comatose yung kaibigan mo."

Oo, alam ko na na comatose siya at ang hospital na kinakaroonan niya. Pero ayoko munang pumunta.

Parang hindi pa ko handa, kasi sa oras na makapunta ako dun. Mawawala na si Taehyung sa tabi ko.

"C-comatose?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo, kuya. Kailangan niya ng kaibigan." Sabi ko.

"W-wala na akong pake dun."

Sagot niya na ikinagulat ko pero mas nagulat ako sa bumagsak na flower vase at nakita ko si Taehyung.

Umiiyak.

Narinig niya?

V, The Ghost {on-going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon