Chapter 13- Kim

173 14 4
                                    

Hindi ko na nahabol si Taehyung, napa buntong hininga nalang ako.

Pupunta nalang ako sa Hospital. Ang alam ko kasi wala pang dumadalaw sa kanya, kahit isang beses. May nagbabayad lang ng bill, nasan kaya magulang nun?

[] Kim Hospital []

Naglalakad na ako papasok sa entrance. Hanggang may taong nahagip ng mata ko.

Teka, si Taehyung yun ah? May dumalaw na sa kanya? Pero hindi, comatose yun e.

Tiyaka ang alam ko, wala siyang kamag anak dito. Hindi maganda kutob ko.

"Taehyung!" Napatingin yung may dala sa kanya, para silang nakakita ng multo.

Nagulat ako ng bigla nilang binilisan at, tiyaka siya sinakay sa ambulansya.

"Teka! Hoy! Tangina niyo, ibaba niyo si Taehyung!" Sabi ko habang hinahabol yung ambulansya. Pero di ko inaasahang may makakabangga akong lalaki.

Nagulat ako ng malaman ko kung sino ito.

"Kuya?!" Tanong ko.

"S-seokchi.. A-ano. Ahm." Sabi niya.

"Ano, para kang tanga. Bat pinagpapawisan ka?! Pero si Taehyung, may kumidnap sa kanya."

"Baka kamag anak niya." Sabi niya sabay alis. Parang may kakaiba sa kanya.

Pero hindi. Walang dumadalaw sa kanya, alam ko. Pano mag kakaroon ng kamag anak?

"Kuya! Sandali!" Sigaw ko, agad naman siyang napalingon at tila nag hihintay kung ano ang sasabihin ko.

"Pano mo naman nasabi na magulang or kamag anak niya yun? Diba di nga nila alam na na aksidente anak nila?" Nagtatakang tanong ko.

Kumunot naman ang noo niya, tila ba nag iisip.

"Tanga ka ba?" Malamig niyang tanong.

Nagbago talaga si Kuya, parang dati ang sweet sweet niya sakin. Prinsesa ang turing niya. Ngayon minumura mura niya ko. Kasalanan to ng Angel na yun e! Kung hindi sana siya malandi edi sana mabait pa sa akin si Kuya. At hindi sila mag kaaway ni Taehyung!

"Kung hindi alam yun ng magulang niya edi sino pala nag babayad ng bills niya sa hospital? Utak nga, Seokchi." Sabi niya.

Oo nga no. Pero. Aish basta, kailangan kong alamin sa nurse.

Tama! Yung nurse na nakasunod kanina nung naka wheelchair si Taehyung. Baka pumunta sa kwarto at kinuha anag iba pang gamit nito.

Kumatok muna ko, ng masiguro kong may tao. Pumasok na ako.

"Nurse?" Tanong ko, nagulat siya bigla.

"A-ay! B-bakit?" Natataranta niyang tanong habang parang may tinatago sa likod niya.

Hindi ko na lamang iyon pinansin. Sayang sa oras. Mahal ang oras ko, bilin mo kung gusto mo.

"Tch. Itatanong ko lang sana, Kung kamag anak ba nung pasyente dito yung kumaha sa kanya?" Tanong ko.

Agad naman siyang pinag pawisan. Teka may kamuka siya ah, napatitig ako sa muka niya. Mukang napansin niya naman iyon, dahilan para mas lalo siyang pag pawisan.

Eww ah.

"Ikaw ba si----" Magtatanong pa sana ako ng bigla niyang putulin ang itatanong ko.

Bastusan ganern?

"Hindi ko po a-alam e. P-pero Kim din po ang apelido." Sabi niya.

Kim..




V, The Ghost {on-going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon