Chapter 14- Is it Him?

146 13 7
                                    


Lahat nalang ata ng hospital hinagilap ko para mahanap si Taehyung pero hindi ko siya makita. Hindi ko alam kung bakit naging mabait ako or naging sobrang concern ako sa kanya? Minsan iniisip ko, ano ko ba sya? Hindi ko naman siya kaano ano. Hindi ko din alam ang ugali niya. At higit sa lahat masama ang ugali ko.

Pero simula nang dumating siya sa buhay ko maraming nagbago. Parang good influence siya na may pagka weirdo. Alien? Minsan naiisip kong ganon nga siya. Nakakamiss din kaya yung kaweirdohan niya! Kung sino man ang kumuha sa kanya, ipapakulam ko!

Ngayon ay nasa bahay ako para makapag pahinga muna saglit. As in saglit.

Nagulat ako nang magring yung cellphone ni Kuya, "Hoy sagutin mo yan, gago matutulog ako!"  Sigaw ko pero mukang naliligo ata kaya ako na ang kumuha. 

Wala naman ata siyang tinatago diba?

'1 missed call from Thrice' '10 messages from Thrice'

Gago, sino naman kaya tong thrice na 'to? Nacurios ako bigla? I- open ko kaya, wala namang masama diba? 

 "Kim. Bibigyan kita ng oras."

"29 days, Kim. 29 days."

Bago ko pa mabasa ang ibang message, nagulat ako sa malamig na boses, "Bakit mo binabasa 'yan? Sino ka ba para basahin yan? Akin na nga yan!" 

"Bleeh, ayoko nga!"

"SABI NG AKIN NA EH! ANG KULIT KULIT MO! AKIN NA IBIGAY MO SAKIN!" Sigaw niya sakin na ikinagulat ko. 

Sa tatlong araw na nagdaan, nagbago din ang Oppa ko. Dapat naman akong matuwa diba? Ito yung hinihiling ko dati pa e.

Pero, ano ang dahilan? Lagi nalang siya di mapakali, laging malalim ang iniisip, laging hawak ang cellphone at palagi din siyang umaalis.

Naghihinala na ko. 




V, The Ghost {on-going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon