"Good bye, class", ang huling sinabi ng Prof namin at hudyat na oras na ng uwian.
Ang mga kaklase ko, kanya kanya na ng tayo at labas ng classroom, its Friday, as usual, may night out sila lalo na yung mga magkakabarkada.
Pero ako, I cant express what im feeling right now. Pakiramdam ko, parang gusto kong umalis, lumayo at takasan ang mga bagay na gumugulo sa akin ngayon.
Badtrip sa bahay, nakakatamad umuwi, di ko naman alam sa mga magulang ko kung bakit kailan tumanda, saka pa naisipan na maghiwalay.
Its my Dad's fault. My Mom caught him with another woman, kasing-edad ko lang. She confronted Dad, pinapili kung sya o yung babae, na pinagsisihan nya dahil yung babae ang pinili ni Dad.
As I enter the house, I saw Mom, namamaga na mata nya sa kakaiyak. And beside her, may mga maleta, so I gave her a what-was-that look.
"Anak, pupunta muna ko sa mga lola mo sa Canada. I know you understand what im going through. I'll be back once na okay na ko.
Tumango lang ako.
"Ikaw muna bahala dito sa bahay, monthly ako magpapadala sayo para sa expense dito and yung Dad mo naman para sa allowance mo. I trust you!"
"Ok Mom, sasamahan pa ba kita sa airport?"
"You dont have to, Alex. Kaya ko na, tumawag naman na ko ng taxi."
Beep!
Beep!
"Mommy ayan na yata yung taxi mo. Tara na, ako na magbuhat ng gamit mo."
"Aalagaan mo sarili mo habang wala ako ah!"
"Tawag ka agad Ma pagdating mo sa Canada, dont worry, kaya ko naman."
Then, umalis na nga si Mommy, si Daddy wala na din dito sa bahay. I dont know kung hanggang kelan ako maiiwan mag-isa dito sa bahay. Ang alam ko lang, malungkot ako sa mga oras na to.
9pm
Nakatulog pala ko. Im about to go back to sleep pero nakaramdam ako ng gutom, hindi pa nga pala ko nagdi-dinner.
Wala ako sa mood magluto kaya naisipan ko na lumabas na lang at bumili ng makakain.
So I get up on my bed, and gumayak na.
Malapit lang naman ang isang sikat na fastfood chain dito sa lugar namin kaya naglakad lang ako.
Gabi na pero marami pa ring tao sa paligid. Lalaki, babae, bata, matanda. Ano kaya ang iniisip nila? Katulad ko rin kaya sila, malungkot at nag-iisa?
Sabi ko sa sarili ko, kaya ko naman ang sarili ko kahit ako lang naiwan mag-isa sa bahay. Babalik din naman si Mommy pag naka-move on na sya. Si Daddy naman, nandito lang din naman pero sa ibang bahay na nakatira kasama ang bagong partner nya.
Ayun, natanaw ko na yung fastfood na madalas kong kainan pag walang luto si Mommy sa bahay. Naramdaman ko lalo yung gutom, di pa naman ako nag-lunch sa school kanina.
Dumiretso na ko sa counter.
"Good evening, Sir! Ano po ang order nila?", sabi sakin ng crew na nasa counter.
Then, nag-order ako ng paborito kong chicken with rice, fries, and sundae.
Ang dami ng tao sa fastfood chain na to kahit gabi na kaya nahirapan akong humanap ng bakanteng lamesa na pwede kong kainan, buti na lang nakakita ako dito malapit sa glass wall nila.
Naupo ako at inayos ang mga kakainin ko. But before I start, tumingin muna ko sa paligid ko.
And I saw a guy in front of me, he seems younger than me. Pero di ko maialis ang tingin ko lalo na sa kanyang mga mata, parang ang saya saya nito, pakiramdam ko gumaan ang pakiramdam ko nung nakita ko sya.
Heaven!
Yan ang naramdaman ko nung lumingon sya sa akin at ngumiti sya!
BINABASA MO ANG
Ikaw Lamang
RandomAko si Alex Cruz. Isang gabi, may nakilala ako... si Alex Cruz. Nung nakita ko sya, sigurado na kong gusto ko sya.