"Congrats kiddo! Sabi na nga ba makakapasok ka sa musical".
"Ang saya-saya ko, Kuya Lex!", ang excited na sagot nya sa akin.
"So, blow out mo"?, balik ko naman na may pabirong tono.
"Hehe ikaw mayaman kuya! Alam mo naman na poor kid lang ako!", ang pabiro din nyang sagot.
"So, its going to be my treat to this cute and talented and little... Uhmnnn cute and talented and little hahaha I cant find a word".
"Pwede mag-request?", ang tanong nya sa akin.
"Sure, ano yun?"
"Ice cream kuya!", ang sagot nya na makikita mo sa mga mata nya ang excitement.
"Bawal yun ah!", ang pagtutol ko.
"Ngayon lang please!", ang sabi nya sabay bigay ng nagpapa-awang tingin, pinahaba pa nya nguso nya, nagpapa-awa hehe halikan kita dyan eh!
"O sya, tara na sa motor ko.", ang pag-aya ko sa kanya sabay lakad na paalis.
"Sa labas lang kuya, yung dirty ice cream".
Inakbayan ko sya at inakay na maglakad papunta sa labas ng university.
"Ano bang naisip mo at gusto mo ng ice cream?", ang tanong ko.
"Eh kasi kuya, pag nag-start na yung training, bawal na ko kumain nun"., ang makulit nyang sagot.
Natawa lang ako sabay gulo ng buhok nya.
"Kuya naman eh!"
"Hehe dali na!", ang hila ko na sa kanya.
Di naman kami nabigo na makakita ng tindero ng ice cream. Ayun yung kasama ko, nauna nang tumakbo papunta sa ice cream vendor.
*******************************
Text Convo:
Me: wala talaga Alex.
Alex: Anong wala kuya eh bigla mo na lang ako iniwan?
Me: Believe me, its nothing. So, dont worry!
Alex: May nagawa ba ko kuya na ayaw mo?
Me: hahaha ano ka ba? Tinopak lang ako bigla, pero wala kang nagawa ah! Pasensya na din!
Ang totoo, di ko masabi sa kanya na tinigasan ako nung nakita ko syang kumain ng ice cream hahaha!
******************************
POV of Alex M. Cruz
Yes may POV na ko hahaha
Today is Monday, 7pm na pero ngayon pa lang ako nakauwi kasi nag-meeting na kami para sa musical.
Sobrang saya ko kasi ang ganda ng role na ibinigay sa akin, pang-bestie ng bayan... Ako ang best friend ni Ate Chloe, yung gaganap na pinaka-bida ng musical. Medyo nakaka-insecure yung ganda ni ate, pero mukha talaga syang angel. Graduating na sya sa course na Hospitality Management, and dating member na din sya ng musical na sinalihan ko.
Dahil gabi na, tinatamad na din ako magluto kaya bumili na ko ng kanin at ulam dun sa karinderyang nadaanan ko malapit lang dito sa boarding house namin, lagi akong bumibili dito kasi mura lang, alam mo na nagtitipid sa allowance hehe
So after kong bumili ng dinner at naglalakad na ko papunta sa boarding haws, biglang may
Alex!
Paglingon ko kung saan galing ang boses, nanlaki ang mata ko sa gulat, napahinto ako, gusto kong magsalita pero walang gustong lumabas na boses sa bibig ko, naramdaman ko na nag-umpisa na akong manginig at kusa na lang tumulo ang luha sa mata ko. Isa lang ang alam ko sa mga oras na ito, natatakot ako!
Ano kaya ang nakita ng ating bida?
BINABASA MO ANG
Ikaw Lamang
RandomAko si Alex Cruz. Isang gabi, may nakilala ako... si Alex Cruz. Nung nakita ko sya, sigurado na kong gusto ko sya.