Sabado.
Nandito ako ngayon sa campus kahit wala akong pasok.
11am ay uwian na ng mga 1st year college galing sa kanilang NSTP.
Siguro ay hihintayin ko na lang matapos ang klase at saka ko ite-text si Alex.
Sakto naman na nakita ko ang isa kong kaklase na member ng varsity. Nagkaroon ako ng makakausap kahit paano habang hinihintay ko si Alex. Pero maya maya ay umalis din sya dahil mag-start na daw ang practise nila.
10:30am
To: Alex Liit
Hi! D2 ko cafeteria, kita naman tayo after class. Kuya Alex.
Message sent!
Almost 10 minutes bago sya naka-reply.
From: Alex Liit
Hello Kuya Al! Sensya n, now lng nkarepz, nandito kasi kami now sa Audio Visual Room. Sure po punta ko jan after nito. XD
Ano ba yung XD? Lagi ko na lang yun nababasa sa Facebook, yung mga pangalan nila may XD hehe
Di na ko nag-reply since alam ko naman na pupuntahan nya ko dito pagkatapos ng klase nya.
12noon
Natanaw ko na si Lex papunta dito sa cafeteria, he's glowing. He looks so happy. Ayun na naman yung ngiti nya na nakakatunaw.
"Hi kuya!"
"Ang ganda mo!"
"Huh? Hahaha kuya talaga! Alam ko na yun hihi!"
"Hehe kamusta ba klase mo?"
"Okay lang kuya, nanood lang kami ng short film, yung Canvass of the Society. Grabe, super affected kami after watching that short film."
"Kumain ka na ba?"
Umiling lang sya.
"Tara order na tayo?", ang tanong ko. Pero binigyan lang nya ko ng tipid na ngiti.
"O, ano na?", ang muli kong tanong.
"Nahihiya ako dito kuya, saka ang daming nakatingin sayo, baka kung ano isipin nila sayo?"
I really dont care, pero mukha ngang hindi sya kumportable.
"Saan mo gusto pumunta? Dun na lang tayo mag-lunch, baka gutom ka na eh"!
"Hindi pa naman kuya! Kaso, wala pa ko masyadong alam na mga lugar dito sa Cabanatuan".
"O sige ako bahala. Let's go"!
At lumabas na kami nang cafeteria. Hindi sya nagsasalita habang naglalakad kami kaya hindi din muna ko nagsalita. At mukha talagang nahihiya pa sya kasi medyo may distansya din sya sa akin.
"Sumasakay ka ba sa motor? Dala ko kasi yung motor ko".
Nakatingin lang sya. Bahagya akong napangiti dahil epic ang reaction nya. Parang bigla syang kinabahan.
"Hehe ako bahala sayo. Eto, ikaw na gumamit ng helmet ko"., ang sabi ko na hindi naman na sya tumutol, at ako na din ang naglagay sa kanya ng helmet. "Sakay na Lex!"
Naramdaman ko ang pagsakay nya sa motor at pagkapit nya sa aking balikat.
"Wag mabilis kuya ah!"
Dahan-dahan ko ng pinatakbo ang motor, sinigurado ko na hindi masyadong mabilis ang patakbo para hindi sya kabahan.
"Saan ba tayo pupunta Kuya"?, ang tanong nya.
"Sa heaven".
Di sya sumagot. Ano kaya ang reaksyon nya? Hehe
"Sa Cakeland tayo pupunta, masarap mga pagkain dun", ang bawi ko.
Hindi pa rin sya sumagot kaya hindi na ko ulit nagsalita hanggang makarating kami sa aming pakay.
"Tyak magugustuhan mo dito Lex, masasarap ang foods dito".
"Hindi ba mahal dito kuya"?, ang tanong nya na may pag-aalinlangan.
Ang cute nyang tignan kaya di ko napigilan na kurutin nang bahagya ang pisngi nya.
Sumibangot sya. Hehe kyot.
"Its my treat kiddo".
Para talaga syang bata kasi hindi nya maitago ang excitement sa narinig, na natuwa naman ako.
"Ang ganda dito kuya, saka parang ang sarap ng mga naka-display na cakes", ang kumento nya na para talagang isang bata. Buti dito ko sya dinala.
"Order muna ko sa counter ng pagkain natin ah".
Tumango lang sya at muling inabala ang sarili sa pagtingin sa paligid.
***************
Patapos na kaming kumain at halatang nagustuhan nya ang in-order kong baked macaroni at chocolate cake para sa kanya.
"Uhmnnn..."
"Ano yun kuya?"
"May gusto sana kasi kong sabihin sayo Lex".
Syet kinakabahan ako.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lamang
RandomAko si Alex Cruz. Isang gabi, may nakilala ako... si Alex Cruz. Nung nakita ko sya, sigurado na kong gusto ko sya.