"Seryoso ka ba kuya"?, ang tanong nya pagkatapos nang mahabang katahimikan nung sabihin ko sa kanya na gusto kong ligawan sya.
"Ba-bakit? Teka... Teka... Bakit ako"?, dugtong pa nya.
"Kasi kuya ngayon lang may nagsabi nang ganyan sa akin, totoo ba to"?, sabay kurot pa sa sarili nya.
Iba talaga tong bata na to. Ang cute nyang tignan, halatang natetensyon sya.
"Relax... Eto oh, inumin mo", sabay abot ko ng juice sa kanya.
"Yes, im serious", ang sabi ko pagka-inom nya.
"Pe-pero...".
"No buts. So, pwede ba Lex? Hehe"
Lalo namula ang pisngi nya, he's blushing.
Tumango sya kaya naman napa-ngiti ako.
**************
"Galit ka ba kuya sa daddy mo"?
Mahabang katahimikan. Di ko masagot ang tanong nya, hindi ko rin kasi alam sa sarili ko kung galit ba ako kay daddy sa ginawa nya kay mommy.
"Sabado ngayon ah, di ka ba uuwi sa bahay nyo"?, ang paglilihis ko ng usapan.
"Kakauwi ko lang naman nung isang linggo, sabi ni nanay magtipid daw ako, may allowance pa naman ako dito kaya baka next week na lang ako uuwi dun".
"Buti dito mo napili mag-aral"?
"State university naman to kuya kaya mura lang ang tuition, di kasi namin kakayanin pag sa private university ako mag-aaral, saka ako na lang pag-asa ng pamilya namin kasi nag-asawa na sila ate at kuya".
"May mga kaibigan ka na dito"?
"Sa school lang, pero hindi naman sobrang close, siguro, pag tagal... sana."
"Kunsabagay 1st year college ka pa lang, pero pag tumagal na saka marami na kayong bonding moments, magiging close ka rin sa kanila"., ang mahabang sagot ko. "Eh sa boarding house mo"?
"Mababait naman kuya mga kasama ko. Maingay nga lang minsan, nakaka-ilang din kasi puro lalake sila dun, pero sanay na ko. You know..."
"Wala naman nambabastos sayo dun?"
Umiling lang sya.
"Pag binastos ka nila, sabihin mo sa akin ah! Lagot sa akin yun!"
"Luh! Aawayin mo?"
"Aba oo! Iuumpog ko sila dito sa rock hard chest ko! Hahaha"
"Yabang mo kuya!"
Nag-flex ako nang muscles ko sa braso, "nakita mo ba to? Meron ba sila nyan?", ang pagmamayabang ko.
"Syempre meron din sila nyan."
Oo nga pala,mga lalake kasama nya sa boarding house. Parang bigla tuloy ako nagselos.
"Pogi ba ko Lex?"
Hindi sya sumagot, ngumiti lang tapos nag-blush na naman. Sobrang cute talaga!
"Di ba mas pogi naman ako s kanila"?, ang ulit ko.
"Uhmnnn..."
"What?"
"Opo!"
Naks! Sabi ko na nga ba! Hahaha konting yabang lang para bibo!
****************
Lumipas ang mga araw at patuloy pa rin ang pagkaka-ibigan namin ni Lex. Yung plain life ko dati na lagi lang akong solo flight, atleast ngayon may nakakausap na ko.
Hindi na sya masyadong naiilang sa akin tulad nung una pero madalas pa rin syang mag-blush sa mga simpleng biro ko.
Buti na lang at nagkaka-sabay kami pag lunch break, pagdating kasi ng hapon, umuuwi din sya ng maaga para daw mag-advance studies. Syempre hindi ko naman sya pipigilan sa bagay na iyon.
Minsan inihahatid ko din sya sa boarding house nya kasi walking distance lang naman from the university at para matignan ko din kung sino ang mga kasama nya dun hehe!
Medyo maliit sa kwarto nila tapos apat silang magkakasama. Minsan di ko maiwasan na magselos lalo na pag naiisip ko na puro lalake ang kasama nya dun. Nag-aalala din ako na baka nababastos siya dun, hindi lang nya sinasabi.
I even offered him na sa bahay na lang muna sya tumuloy para may kasama ako saka para makatipid din siya pero ayaw nya, nakakahiya daw. Pero di ko na pinilit, baka kasi makulitan sa akin hehe!
1 message received
From: Alex Liit
Kuya...
Bakit kaya?
To: Alex Liit
O bakit?
Message Sent
1 message received
From: Alex Liit
May audition ako ngayon kuya para sa musical, dito sa auditorium. Aayain sana kita manood and para may inspiration din 😊
Anong ibig sabihin nun? Syet, biglang tinambol yung dibdib ko, ang lakas!
Buti na lang nandito pa ko sa gym, nanonood ng practise game sa basketball.
Naglakad na ko papunta sa auditorium. Mukhang maraming mga nanonood din base sa hiyawan na napapakingan ko mula sa labas.
Ayun si Alex nakaupo sa bandang harapan.
*************
"Kinakabahan ka ba?"
"Medyo kuya, marami kasing magagaling".
"Kaya mo yan, trust me."
Ngiti lang ang naging sagot nya.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lamang
RandomAko si Alex Cruz. Isang gabi, may nakilala ako... si Alex Cruz. Nung nakita ko sya, sigurado na kong gusto ko sya.