Chapter ( XII )

195 5 3
                                    

My Bad Boy Prince

storyline by toneewritestragedies

Chapter ( XII )

x - - - - - - - - - - x

Kinabukasan pagkatapos kaming mag-usap ni aboji sa cellphone tungkol sa pagbalik ko sa Korea, dumirecho ako sa classroom ni Lucy pagkatapos ng klase ko. Kailangan niya nang malaman 'yung tungkol dito pero hindi ko naman alam kung paano ko 'to sasabihin sa kanya. Tsk, dyahe. Bahala na talaga!

Nakasandal lang ako sa railings ng corridor at nakapamulsa habang nag-aantay na matapos si Lucy sa klase niya. Nagsilabasan na ang mga classmate niya at syempre pinagtitinginan na naman ako kasi ang gwapo ko e. Kamukha ko nga si Matteo Do ng My Love From the Star 'di ba?

Nasilip ko si Lucy na inaayos 'yung mga gamit niya. Tch, ang kupad talaga ng babaeng 'to. Parang gusto ko na tuloy sugurin sa loob ng classroom e!

Agad akong tumayo sa gilid ng tapat ng pintuan at sinalubong siya nang nakapamulsa. "Ang kupad mong kumilos." sabi ko.

"Sorry, inayos ko pa mga libro ko pati 'yung mga notes." monotonous 'yung pagkakasabi niya ta's ayun na, nagsimula na kaming maglakad. Napansin kong medyo paika-ika siyang maglakad dahil sa laki at bigat ng backpack niya. Napailing na lang ako saka pilit na kinuha ang bag niya sa likod niya.

"Uy, anong gagawin mo sa bag ko?"

"Itatapon sa basurahan." tas nag-poker face ako. "Syempre bubuhatin. Hirap na hirap ka na sa paglalakad e. College ka na, Lucy pero kung magdala ka ng gamit para kang Elementary student." sinukbit ko 'yung bag niya sa isang balikat ko.

"Nag-aaral lang akong mabuti para sa scholarship ko."

"Hindi naman lahat ng mga nag-aaral ng mabuti e kailangan dala ang buong bahay. Tsk."

"Bakit mo nga pala ako sinundo sa classroom?" pag-iiwas niya sa sinabi ko. GC talaga ang babaeng 'to e.

"May kailangan akong sabihin sa'yo." sabi ko sa kanya habang diretso ang tingin ko sa dinaraanan namin.

"Ano?" ta's tumingin siya sa akin.

"Basta, mamaya na. Date muna tayo."

Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko ta's pinigilan ako sa braso kaya napatigil din ako sa paglalakad. Tinignan ko siya. "O bakit?"

"Bagay sa'yo 'yang hairstyle mo na 'yan."

Tumibok na naman ng puso ko ng matindi. Tang'na, ang bakla ko na naman e!

"E tinamad na kasi akong mag-wax ng buhok." pinasadahan ko ng haplos 'yung bangs ko. Mukha tuloy akong good boy. Pwe, 'di bagay sa akin na maging mabait!

"Sana tamarin ka na lang mag-wax ng buhok." tumawa siya ng maikli.

"Bakit naman?"

Umiwas siya ng tingin sa akin at tinignan na lang 'yung dinadaanan namin. "Mabait ka kasi tignan pag ganyan 'yung hairstyle mo, Adam kesa dun sa taas-taas 'yung buhok mo. Maangas kang tignan dun."

Wow, biglang may malasakit sa appearance ko si Weird huh. Natatakot na ata 'tong maagaw ako ng iba. Bwahahaha. 'Wag siyang mag-alala, siya lang naman ang gusto ko e. *wink*

"Maangas naman talaga ako 'di ba? Kelan ba ako bumait e gago din ako."

Pero ikaw, Lucy Grace, hindi kita gagaguhin.

x - - - - - - - - - - x

Sa Wendy's kami pumunta ni Lucy para kumain. Nakita ko naman sa 'di kalayuan 'yung service car ni Bram na nakaparada. Umismid lang ako ta's nagsimulang kumain ng burger na inorder ko.

My Bad Boy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon