Chapter ( XIV )

181 5 1
                                    

My Bad Boy Prince

storyline by toneewritestrgedies

Chapter ( XIV )

x - - - - - - - - - - x

"Sa nakalipas na dalawang dekada ng aking pamumuno bilang Hari ng magiting na bansang ito, nakita ko ang magandang pag-asenso ng buong bayan..."

Kitang-kita ko ang mukha ni aboji na naka-flash sa malaking screen sa paligid ng harap ng Gyongbuk Palace habang nagsasalita siya sa harap ng maraming tao. Ako, eto, naka-hanbok dahil ngayon ako ipoproklama bilang Crown Prince. Alam na din ng sambayanan na ako ang anak ng Hari ng bansang ito. Maraming nagulat sa rebelasyon ng Royal Family dahil sa mga pictures na p-in-ublish ng Royal Family Press ganoon na din ang pagpapahiram ng mga video footages sa Media (locally and internationally) ng pagkilala sa akin ng Council of Elders. Sabi nga daw nila e parang telenovela 'tong kwento ng buhay ko. Marami na kasing nakaalam kung ano ang dati kong buhay sa Pilipinas -- illegitimate child noon, magiging Crown Prince na ngayon, tss. Too much drama! Nakakairita!

"...at alam kong ginulat ko ang lahat sa inyo sa sikretong ibinunyag ng Royal Family tungkol sa anak kong si Jaeyoung."

Napatingin naman sa akin ang mga tao habang nakaupo ako sa likod ni aboji na nasa rostrum at nagsasalita para sa proclamation ko bilang Crown Prince. Kung tatanungin niyo ako kung kinakabahan ba ako o excited, ang sagot e hindi. Wala akong nararamdamang kakaiba sa sarili ko -- kumbaga go with the flow lang.

"Malugod kong ibinabalita sa inyo na si Jaeyoung-chinwang ay ang magiging Crown Prince nang ating bansa simula sa araw na ito sa bisa ng pagkilala ng Council of Elders at ng Royal Family."

Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa sinabi ni ni aboji. Tumayo ako pagkatapos niyang magsalita at nagbow sa harapan nilang lahat. Pakiramdam ko dadagsa lahat sa ulunan ko 'yung dugo ko dahil ang tagal kong naka-bow! Tsk, for sincerity daw kaya sabi nila e tagalan ko ang pagyuko. Pagkatapos nun, nagsimula na ang ceremony para sa inauguration ko bilang Crown Prince.

Medyo matagal 'yung proseso. Nakakabato na nga e tapos bigat na bigat na ako sa hanbok na suot ko. Pakiramdam ko nga sa kakayuko ko e mahuhulog na 'yung nakapatong sa ulo ko. Tch.

Umabot din ng halos apat na oras 'yung inauguration at proclamation ko sa pagiging Crown Prince. Buti na lang at Fall kaya medyo malamig. Dahil kung Summer 'to, kanina pa ako naliligo sa sarili kong pawis!

Palakpakan ang lahat ng tao na nasa vicinity nang palasyo nang ma-proclaim na ako. Hanggang ngayon, wala pa din akong idea kung ano ba dapat talaga ang mararamdaman ko. Overwhelmed? Hindi. Kaba? Mas lalong hindi. Hiya? Talagang hindi. Alam niyo namang walang hiya ako 'di ba?

"Boss, kamusta? Exhausted ah." sabi sa akin ni Bram nung nasa bahay ko na ako -- parte pa din naman siya ng palasyo dito sa Gyeongbukgong pero ito 'yung pinaka-quarters ko. Halos triple yata ang laki nito sa bahay ko doon sa Pilipinas.

Tinanguan ko lang si Bram habang naka-slouch ako upuan. Pinapaypayan ko pa ang sarili ko gamit 'yung headdress ko kanina dahil init na init pa rin ako kahit na de-aircon 'to.

"Boss, gusto mo bang palamigin ko pa 'yung aircon?"

Umiling ako. "Okay na, tama na 'yan. Magbibihis na muna ako." tumayo na ako sa kinauupuan ko tapos pumasok na sa kwarto ko mismo.

Habang nagbibihis ako, naisip ko na naman si Lucy. Tsk. Kamusta na kaya 'yung Weird na 'yun? Wala akong balita sa kanya. Ni hindi nagtetext o tumatawag. Walang Viber o kaya Facebook.

"Bram! Pumasok ka dito!" sigaw ko sa pangalan niya habang nagbibihis ako.

"Naku, boss bawal na po. Nasa South Korea na po tayo at isa ka nang Crown Prince. Bawal akong pumasok sa kwarto niyo habang nagbibihis ka kahit parehas pa tayong lalake." paliwanag niya sa'kin.

My Bad Boy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon