Chapter ( XI )

200 5 0
                                    

My Bad Boy Prince
storyline by toneewritestragedies
Chapter ( XI )

x - - - - - - - - - - - x

"Boss, ang Mahal na Hari nasa telepono. Kakausapin ka daw." naramdaman ko na inaalog ni Bram ni hita ko. Tss, alam namang masarap ang tulog ko. Ang ayoko pa naman sa lahat 'yung ginigising ako.

Bagot akong bumangon at tinignan siya. Nakangisi si Bram at naka-peace sign. Alam niya kasing ayoko 'yung ginigising ako dahil nakakabwisit namang talaga. Mabagal kong tinanggap 'yung wireless phone. Bago ko sinagot 'yung tawag, minwestra ko muna 'yung kamay ko na umalis siya palabas ng kwarto. Nag-bow si Bram sa harap ko tapos umatras ng isang hakbang bago tumalikod at lumabas.

"Yoboseyo, aboji? (Hello, father)?" bored kong sinagot 'yung telepono. Ito na naman, nose bleed na naman ako sa pagsasalita ng Hangul. Fluent naman akong mag-Korean dahil tinuruan ako ni Bram na magsalita at magsulat nun simula five years old ako kaya master ko na ang pagha-hangeul nung mag-eight ako.

(TWT's Note: 'Di ako marunong mag-Korean talaga, kunwari nag-uusap silang mag-ama in Korean ta's ita-translate ko na lang into Taglish, lol xx )

"Kamusta, anak?" tanong niya sa akin.

Bumuntong-hininga ako bago sumagot. "Okay lang. Kayo dyan?"

"Maayos naman. Kinakamusta ka ni Taehee, yung pag-aaral mo daw ba, how's school?"

Si Queen Taehee, 'yun 'yung legit na asawa ni aboji. Mabait naman siya sa akin at tinuring na rin ako na parang anak kaya wala naman akong masamang tinapay sa kanya,

"So far, so good. Pasado naman ako sa mga subjects ko kahit tamad akong mag-aral. Kayo? Kamusta dyan?" tumayo ako sa tapat ng malaking bintana, hinawi ko ang kurtina at tinignan ang overlooking view sa paligid. Ang gwapo ko talaga.

"We're fine, too as well. Medyo marami lang talagang ginagawa."

Sa tono ng pananalita ni aboji, alam kong may kailangan 'to. Tch.

"Bakit nga pala kayo napatawag?" diretsahan kong tanong. Napa-smirk agad ako nang hindi siya sumagot agad sa kabilang linya. Oo nga, may sasabihin nga talaga 'tong tatay ko at parang may idea na naman akong papupuntahin niya ako sa Korea uli.

"Kailangan mong bumalik dito sa South Korea. I'm going to introduce you to all as my child, as the next Crown Prince."

Nawala ang antok ko sa sinabi niya. Teka nga, totoo ba 'yang sinasabi ng matandang 'to? Pakisampal nga ako kung totoo ba 'to o nananaginip lang ako. Ako? Ipapakilala na sa buong madla. At hindi lang 'yun, magiging Crown Prince na din ako. Teka, nagbibiruan ba tayo dito?

"Seryoso ka ba dyan, aboji?" hindi ko sinasadyang maging ganun ang tono ko pero naging sarcastic 'yung lumabas. E paano ba naman kasi, illegitimate child ako at sikreto ang identity ko sa mga tao ta's biglang tatawag siya at sasabihing kailangan kong bumalik doon para iproklama nila. Nakapag-shabu ba sila?

"Yes, son. I'm serious. Ang Inang Reyna na din ang nagdesisyon nito. Wala na ding nag-second demotion dahil kailangan na ng Crown Prince. Alam kong alam mo ang kakayahan ng pinsan mong si Yoonhee kaya hindi siya nag-qualify para maging Crown Princess. Kaya ikaw na ang napili."

Natawa ako in a sarcastic way, ewan ko ba. Natatawa na lang ako sa mga naririnig ko. "Why? Do you think I have what it takes to be the Crown Prince, aboji?"

"Yes." diretso niyang sagot. "And you'll soon be the King of this country."

Napalunok naman ako sa sinabi ni aboji. Magiging hari pa kaya e wala sa hinagap kong magiging Crown Prince ako.  "Alam niyong tarantado ako. Seryoso ba talaga kayo dyan?"

My Bad Boy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon