Chapter ( IX )

229 3 0
                                    

My Bad Boy Prince  
storyline by toneewritestragedies
Chapter ( IX )

x - - - - - - - - - - x

Nakatambay lang kaming apat sa may botanical garden. Maaliwalas kasi saka mahangin kaya mas maganda ditong magpalipas-oras. Ang bading lang kasi puro mga halaman, puno at mga butterflies na lumipad-lipad sa paligid. Tch. Pero ayos na din naman.

"Adam, maganda dito kayong maglabing-labing ni Weird Girl. Ayee!" asar ni Benj sa akin, nagsalubong na lang ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"00 n64, +07. 4n6 $w33+ k~p'6 64nUn
(Oo nga, tol. Ang sweet kapag ganun.) Jejejejeje." si Shem naman.

"Naku, 'wag niyo masyadong asarin 'yang si Adam at baka sapakin kayo niyan." natatawa naman si Daniel habang nakatingin sa akin.

"Bakit naman?" tanong ni Shem.

"E kasi nung mga nakaraang araw na kami lang magkasama dati, puro pagsusungit ang inabot ko sa kanya pag binabanggit at inaasar ko siya kay Lucy."

Naningkit lalo 'yung mata ko at pinagbabatukan sila. "Tigilan niyo nga ako. Kung naiinggit kayo sa akin, maghanap na din kayo ng sarili niyong love life!"

Nagkatinginan silang tatlo tapos nagsitawa ng malakas. "Kilala mo ako, Adam. Matinik ako sa chicks pero hindi naman ako kasing jejemon ni Shem ano!" sabi ni Benj.

"m4y b3b3 n 4q. nD1 n 4q m46j4j4np.
(May bebe na ako. Hindi na ako maghahanap)." si Shem naman tapos sabay bunot ng cellphone niya sa bulsa at malamang sa malamang, tinext niya na si bebe niya. Tch, parehas silang pabebe.

"Hands off ako dyan, sakit sa ulo ang mga babae." itinaas pa ni Daniel 'yung dalawang kamay niya na parang sumusuko.

Tinulak ko siya. "Bading ka kasi, ang gusto mo lalake."

Nagtawanan kami. "Ewan ko sa inyo. Tara na nga, baka ma-late pa tayo sa next class."

Nagsitayo na kami sa pagkakaupo sa bench tapos lumabas na ng botanical garden. Napansin ko ngang kami lang ang mga lalaki doon sa loob. Nyay~ para tuloy kaming mga bakla!

Sa quadrangle na kami dumaan dahil malapit doon ang laboratory para sa Biology class namin. Magda-dissect yata kami ng palaka. Sabi ko nga 'yung dila na lang ni Shem ang i-dissect namin para hindi na mga ka-jejemon-an ang lumabas sa bibig niya.

"Naglalaro pala 'yung girlfriend mo sa quadrangle, Adam."tinuro sa akin ni Daniel 'yung mga nagba-basketball sa quadrangle. Puro sila mga babae tapos naka-PE uniform. Malamang para sa PE class 'to at nakita ko si Lucy Grace na patakbo-takbo lang at parang nakatingin sa kawalan. Nabo-bore na siguro.

Saglit ko lang siyang tinignan tapos nagpatuloy na ako sa paglalakad. Tinawag ako ni Benj kaya napalingon ako sa kanya."'Di mo man lang ba ichi-cheer si Lucy?"

"Hayaan mo siya, hindi naman ako makikita niyan e." saktong pagtingin ko kay Lucy e natamaan siya ng bola sa mukha.

Gulat na gulat kaming apat sa nangyari. Kasi kanina siya pa ang nagdi-dribble sa bola ta's ngayon natamaan na siya. Tsktsk. Tumakbo ako papalapit sa quadrangle pero tinatawag pa rin ako nung tatlo.

"Pare, magta-time na!"

"Halika na, terror pa naman 'yung prof natin sa next subject."

"0y, 4D4m! (Oy Adam!)"

Nilingon ko sila "Mauna na kayo, dadalhin ko muna si Lucy Grace sa infirmary." tapos tumakbo na ako papunta sa quadrangle. Pinuntahan ko siya sa gitna ng court, wala akong pakialam kung late ako sa klase o absent. Syempre mahalaga dito 'yung girlfriend ko ano.

My Bad Boy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon