Muling lumipas ang mga araw at wala na ulit nangyari sa amin ng mga kabasketball ko. Kahit si Kuya Jerald o si Joshua o kahit s Ejay wala nang nagaganap sa amin. Kaya siguro iba na ang pakiramdam ko ngayon. Ito na siguro ang sinasabi nilang tuyot.
Pero kaninang hapon lang ay sinabihan ko ng Ninong ko na may paliga daw at nabubuo daw sina Renz ng team at kung gusto ko daw sumali ay magpalista na agad ako kay Renz. Kaya naman agad akong pumunta sa kanila. Mejo malapit lang ang bahay nila kaso sa may dulo iyon malapit sa may sagingan.
Habang naglalakad ako sa makipot na daanang naliligiran ng mga puno ng saging, hindi ko maiwasang mapaisip tungkol kay Renz. Matangkad siya, siguro mga nasa 5'11" o lampas pa. Malaking bulas, halatang batak sa trabaho. Hindi tulad naming mga kaedad niya na nakatutok lang sa basketball o gala, si Renz ay laking-pawis.
Madalas siyang tumutulong sa ama niyang karpintero kaya hindi na nakapagtataka kung bakit maganda ang hubog ng katawan niya—matigas ang dibdib, matibay ang braso, at parang bato ang mga bisig. Pero higit sa lahat, hindi mo puwedeng hindi mapansin ang balat niyang moreno, sunog sa araw pero makinis, na parang laging amoy bagong paligo kahit kita mong pinagpapawisan.
At saka 'yung balbon niya. Halos lahat ng bahagi ng katawan niya ay may manipis pero kitang-kitang mga buhok—sa braso, sa hita, at lalo na sa dibdib. May ilang beses ko na siyang nakitang nakahubad noon tuwing nasusugatan sa laro at magpapahilot sa gilid ng court, pero hindi ko alam kung bakit parang ngayon ko lang mas pinansin ang katawan niya. Lalo na 'yung manipis na linya ng buhok na bumababa mula sa pusod niya papuntang burat nya.
Napakagat-labi ako habang patuloy sa paglalakad. Ano bang iniisip ko?
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako habang papalapit sa bahay nina Renz. Gabi na, pero pakiramdam ko ay masyadong mainit ang paligid. O baka ako lang talaga 'yung naiinitan.
"Liga lang 'to, gago," pabulong kong sabi sa sarili ko habang tinapik ang noo ko.
Huminga ako nang malalim bago tinulak nang marahan ang gate nila. Bukas ang pinto ng bahay, at may ilaw naman sa loob. Pumasok ako, hindi na nag-abala pang kumatok dahil sanay na akong dumiretso rito.
At saka ko siya nakita.
Putangina.
Si Renz, nakahilata sa sofa, walang suot na pang-itaas. Ang tanging suot niya ay manipis na itim na boxer shorts. Ang isang braso niya ay nakapatong sa likod ng ulo niya, kaya kitang-kita ang malinis pero mabalahibong kilikili niya. Ang isang paa niya naman ay nakaangat sa armrest habang ang isa ay nakatapak sa sahig.
Hindi ako makahinga.
Pucha, hindi ko alam kung ano'ng dapat kong tingnan. 'Yung bahagyang pawis sa dibdib niyang kumikinang sa ilaw? 'Yung linya ng abs niya na halatang banat na banat kahit relax siya? O 'yung kilikili niyang parang... parang nang-aakit?
Gago, ano bang iniisip ko? Dahil ba ito sa karanasan ko kina Ejay, Joshua at Kuya Jerald?
Muntik na akong mapamura nang maramdaman kong unti-unting umiinit ang mukha ko. Tangina, Aldrin, umayos ka.
"Ano, tatayo ka lang ba diyan?" tanong niya, may bahagyang iritasyon sa tono.
Napakagat ako sa labi bago nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Pinilit kong ibalik ang normal kong postura at lumapit nang hindi nagpapahalata ng kahit anong kaba.
"Uh... Tangina, bro. Wala ka bang damit?" pilit kong iniba ang usapan.
"Mainit eh," sagot niya sabay abot sa remote. "Saka hindi ka naman bago sa tanawing 'to, 'di ba?" May pilyong ngiti sa labi niya habang inilipat ang channel sa TV.

YOU ARE READING
Mga Basketbolista
RomanceKwento ito kung paanong natikman ko ang mga kalaro ko sa basketball.