Part 6 - Si John

127 5 1
                                    

Pagkatapos ng ilang linggo parang wala na naman ganap saken at sa kalibugan ko at parang  heto lang ako, nakatambay sa kwarto ko habang hinihintay si John. May project kasi kaming dalawa—isang presentation na dapat ipasa bukas. Sa pagkakataong ito na kami lang dalawa ang tao dito sa bahay namin dahil umalis ang mgulang ko eh parang madaming naglalaro sa isip ko. At puro iyon kalibugan. 

"Pero paano naman? Si John? Eh straight pa yun sa papa nya eh. Tsaka may girlfriend sya" Ito na lang ang nasa isip ko habang naghihintay. 

Isang katok ang pumukaw sa atensyon ko.

Ktok! Ktok!

"Aldrine?" mahinahong tawag ni John mula sa labas.

"Pasok!" sagot ko habang inaayos ang laptop sa study table ko.

Dahan-dahan siyang pumasok, bitbit ang backpack niyang halatang mabigat sa dami ng laman. Suot pa rin niya ang school uniform niya, mukhang dumiretso na agad dito mula sa eskwela.

Pagpasok pa lang nya agad akong natigilan. Alam kong dapat ay sa project ko lang itutok ang atensyon ko, pero paano ko magagawa 'yon kung ganito ang itsura niya? Dati ko pa naman syang nakikita at nakakalaro ko pa pero pucha naman, iba pala pag nakakasta ka ng iba, halos lahat na lang pinagnanasahan. 

Tinitigan ko sya at dun ko mas nakita ang kagwapuhan nya, semi-kalbo, pero somehow, angas pa rin. Hindi siya katangkaran, pero sakto lang para hindi mukhang bata. Payat siya, pero hindi buto't balat—parang sapat lang para bumagay sa anyo niyang parang laging chill lang sa buhay.

Pero ang pinaka-nakakakuha ng pansin ko? 'Yung mukha niya. Makapal ang kilay niya, parang laging galit pero sa totoo lang, hindi naman. At 'yung labi niya? Pta, ang pink. Parang laging basa, parang laging naghihintay ng may hahalik. Pero ang pinaka-diin talaga—'yung malagong bigote niya. Sa ibang tao siguro, bastos tingnan, pero sa kanya? Pcha, bagay na bagay.

At ang pinaka-walang kwenta pero hindi ko maiwasang isipin? Ang bango niya. Hindi 'yung simpleng amoy ng pabango na nabibili mo sa department store. Hindi. 'Yung amoy niya, parang laging bagong ligo, laging fresh, laging... nakakabaliw.

Mabilis akong bumalik sa huwisyo ko at sinubukang ayusin ang mukha ko para hindi mahalata ang kung anumang iniisip ko.

"Sorry kung natagalan ako, may dinaanan lang saglit," sabi niya sabay upo sa tabi ko.

"Wala namang problema," sagot ko pero alam ko naman na hinatid pa nya ang girlfriend nya. "Sige na, simulan na natin 'to." ito na lang ang nasabi ko.

Binuksan ko ang laptop at inilabas ang mga notes ko, pero tangina, hindi ako makafocus. Alam kong nasa tabi ko lang si John, at kahit anong pilit kong ipako ang paningin ko sa screen, parang mas malakas ang hatak ng presensya niya.

Tahimik lang siya, pero parang may bumabagabag sa kanya.

"Uy, John, okay ka lang?" tanong ko, kunot-noo.

Napapitlag siya at napakamot sa batok niya—at sa paggalaw niyang 'yon, sumingaw ang amoy niya papunta sa ilong ko. Tangina. Napalunok ako.

"Ah, oo! Oo naman!" mabilis niyang sagot, pero halata sa boses niya ang kaba.

Napangisi ako. "Hindi ka naman kinakabahan sa project, 'di ba? Basic lang 'to, kaya natin 'to."

"Oo naman! Basic lang," sagot niya, pero ramdam kong hindi siya sigurado sa sarili niya.

Tumitig ako sa kanya. Alam kong may bumabagabag sa kanya, pero sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung dapat ko ba siyang tanungin. O kung mas dapat ko bang kontrolin ang sarili ko.

Kasi putangina, sa gabing ito na kami lang dalawa sa bahay... parang mas marami pa akong gustong gawin kaysa sa simpleng project lang.

Makalipas ang ilang oras, halos patapos na ang project namin at halos wala talagang imik si John kaya minabuti kong kausapin na sya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga BasketbolistaWhere stories live. Discover now