"Neng, may dumaan dito kanina, hinahanap ka."
Paalis na ako ng bahay nang sabihin iyon sa akin ni Kuya Lito. Siya ang madalas na naglilinis sa bahay ni Tito Paulo kapag hindi kami nakakapunta ni Chad. Bukod sa matagal na silang magkaibigan, malapit lang din ang bahay nila sa amin.
"Sino raw po?" tanong ko.
"Hindi ko matandaan, eh," sagot niya. "Hayaan mo, kapag bumalik ulit ay ipapa-message kita sa anak ko."
Tinanguan ko siya. "Sige po, Kuya. Mauna na po ako."
Nag-arkila agad ako ng tricycle papunta sa meeting place namin nina Claire. Magji-jeep sana ako para makatipid, pero nakakahiya ang suot ko kung sasakay ako roon. Out of way kasi ang bahay ni Tito Paulo, kaya kailangan pa akong daanan nina Friah sa kanto namin.
It only took a few minutes nang makarating ako sa kanto. Nagbayad ako sa driver at naglakad papuntang waiting shed. Mabuti na lang at padilim na, kaya hindi ako mahihiya sa suot ko.
I was wearing a navy blue tank top paired with jeans. For my footwear, I chose my Adidas Samba shoes. Gold hoop earrings and a gold necklace completed my look. It wasn't too revealing, but it wasn't exactly me either.
Habang hinihintay ang dalawa, ilang beses ko na siguro silang tinadtad ng messages para dalian. Naiinip na rin ako kakahintay sa kanila. Sa pagkakaalam ko naman ay hindi traffic. Matapos kong mag-message sa dalawa ay si Chad naman ang minessage ko. I didn't want to tell him I was drinking tonight, so I made an excuse instead.
maicahcrizan:
chad, may gagawin ako
baka hindi na ako makauwi mamaya
pero i'll chat you if oo
Makalipas ang ilang minuto, isang kotse ang tumigil sa harapan ko.
"Emcy!" sigaw ni Claire mula sa driver seat. Kita ko ang tingin niya sa 'kin mula ulo hanggang paa na para bang jina-judge niya ako kahit hindi naman. "Ang ganda! Grabe!"
"Hindi ko kinaya ang outfit!" Pinalakpakan ako ni Friah. "Girl, it's giving!"
Umiling ako at inirapan sila bago sumakay sa BMW na kotse ni Claire. Hindi talagang mapagkakailang mayaman siya. Unlike me, parehong galing sa mayayamang pamilya ang dalawa kong kaibigan. Mayaman na nga, kumpleto pa ang pamilya.
At some point, hindi ko maiwasang mainggit kahit hindi naman dapat. Kasi, kahit magpakayaman ako, hindi naman mabibili ng pera ang isang buong pamilya.
On the way to Twilight, puro pang-aalaska ang inabot ko kina Claire at Friah. Muntik ko na silang sabunutan para lang tigilan nila ako.
Pagdating namin sa bar, sinalubong agad ako ng malalakas na tugtog. Napangiwi ako. Gusto ko na agad umuwi. Pero bago ko pa maisip ang paraan kung paano umalis, hinatak na ako ni Friah papunta sa table na nireserve ni Jance. Mas lalo lang akong napangiwi nang makarating doon dahil sa nakitang mga alak sa table. 'Yung iba naming ka-block ay nandoon na, umiinom.
"Welcome shot! Friah! Claire! Emcy!" Inabutan kami ni Jance ng shot glass. Agad tinanggap ng dalawa ang kanila, pero ako, tinititigan ko lang ang akin. "Bawal ang KJ, Emcy! Inumin mo na 'to," pangungulit ni Jance.
Kinuha ko 'yon. Hindi ko pa man naiinom, pumasok na sa ilong ko ang matapang na amoy. Parang masusuka agad ako. Hindi ko talaga gusto, pero… ito ang pinunta ko rito. A shot won't hurt me, right? So, I drank it. I heard them clapping for me.

YOU ARE READING
Way Back Into Love (Back Again Series #2)
Teen FictionEmcy feared abandonment ever since her mom left her. Afraid of being left behind, she always chose to leave first. But everything changed when she met Benjamin, an engineering student who saw past her walls. Will she finally find her way back to lov...