"Shutangina, fuck you!" sigaw ko habang nakasiksik sa kanya.
Halos ibaon ko na ang sarili ko sa kanya. Ayoko talaga ng zombie movies—binabangungot kasi ako sa mga ganito.
"Ano ba! Halos pumasok ka na sa loob ng t-shirt ko!" pang-aasar niya.
"Hoy! Hala! Wahhhh! Ahhhhhh!" Napaiyak na lang ako sa takot.
"Anong arte mo diyan? Duwag ka masyado," irap niya habang nararamdaman ko ang panginginig ng katawan niya sa pagtawa.
"Sabi naman kasi sa’yo, ‘wag yan, eh!" Hinampas ko siya nang malakas sa braso.
"Aray, ha! Ikaw, mapanakit ka!" reklamo niya, hinihimas ang braso niya na kunwari'y nasaktan.
"I agreed to watch Moana, so it’s only fair," maarte niyang sagot, lalo akong nainis.
After a hellish hour, the movie finally ended.
"It’s already 3 AM, let’s sleep na," sabi ng bruhildang bakla.
"Hoy, I said let’s go to bed na!" Tinapik-tapik niya ako, pero wala akong lakas para gumalaw mula sa kinauupuan ko.
"Fine. I’ll leave you here to be eaten by the zombies."
Nang marinig ko ‘yon, saka lang ako bumalik sa ulirat at mabilis na nagtatakbo papasok ng kwarto ko.
"Wala man lang ‘good night’? Fine. Bahala ka sa buhay mo!" narinig ko pang sigaw ni Theo.
Makalipas ang ilang minuto, kumatok ako sa pinto ng kwarto ng impaktong bakla.
"Let me in."
Binuksan niya ang pinto pero hindi agad nagsalita—nakatingin lang siya sa akin mula ulo hanggang paa, halatang pinipigil ang tawa.
"Anong ganap mo diyan?" takang tanong niya.
"What?" kunot-noo kong sagot.
"Just let me in first, then let’s talk. Please," desperado kong sabi.
Actually, hindi na ako magtataka kung bakit siya naguguluhan sa itsura ko ngayon. Naka-helmet ako, may neck brace, at balot na balot ang buong katawan ko na parang pupunta sa gera. May dala rin akong baseball bat at backpack na puno ng pagkain.
Ganito talaga ako kapag nakakapanood ng zombie movies—napaparanoid. Alam ko namang hindi totoo, pero somehow gusto kong isara lahat ng possible entrance sa bahay para lang makasiguradong walang zombie na makakapasok.
"Bruha ka, ganyan ka matutulog?" nawiwindang na tanong ni Theo.
"Oo. Bakit?" inosente kong sagot.
"Kung dito ka matutulog sa kwarto ko, you need to take that off. Saka ano ba ‘yang hawak mo?" tinuro niya ang baseball bat sa kamay ko.
"Baseball bat."
"Exactly. Now put it down. Saka hubarin mo na ‘yan—ang init-init," sabi niya sabay agaw sa bat ko at inilayo iyon.
"Pero… what if may mga zom—"
"It’s not true. Even if it is, I’m here."
Medyo kumalma na ako sa sinabi niya, kaya unti-unti kong hinubad ang mga protective gear ko. Nu’ng natanggal ko na lahat, doon ko lang napansin ang suot niya—o mas tamang sabihin, ang hindi niya suot.
Nakaboxers lang siya.
Napalunok ako.
Was he always this big?
I mean, alam kong bakla siya, pero sanay naman ako sa mga ganitong suotan niya. Ngayon lang siguro ako naging aware.
"Hoy, yang mata mo, ha. Dudukutin ko ‘yan," sabay takip niya sa dibdib niya.

BINABASA MO ANG
Married To My Gay Best Friend
RomanceNatasha Celeste De Leon Theodore Jasper Alvarez Tash is a strong, independent lesbian. Theo is a confident, no-nonsense gay man. Best friends since forever, they never expected their biggest enemy to be their own families. Isang kasal ang itinakda-h...