CHAPTER 6

13 3 1
                                    

It's been a week since we visited the house na titirahan namin, and so far, tapos na kaming mag-empake. It’s not like dadalhin namin ang buong condo. We just brought the necessities since kumpleto na naman ng gamit ‘yung bahay.

I heard my door beeping kaya sigurado akong si Theo ‘yun, galing sa condo niya. Yes, condo niya. Binalik na kasi ng dad niya lahat ng confiscated items from him.

"Tash, where are you?" sigaw niya habang umaalingawngaw ang boses niya sa buong condo.

"What? I'm here!" sigaw ko pabalik mula sa kwarto ko.

Narinig ko ang mga yapak niya papalapit sa akin.

"Here. Apparently, welcoming gift daw sa atin nila Tita Donna and ni Mama," sabi niya sabay abot ng isang kahon.

"Hanep, may pa-welcoming gift na agad kahit ‘di pa nga tayo nakakalipat," biro ko.

"Gano’n na rin daw ‘yun. Lilipat na lang rin naman tayo ngayon, kaya pinasabay na nila. Napadaan ako sa bahay kanina kaya pinadala na rin ni Mama sa akin," sagot niya.

Medyo malaki ang box, parang kahon ng sapatos, pero hindi naman kabigatan. Napakunot-noo ako. "What's inside?" Inalog-alog ko ‘yung kahon.

"I don’t know, open it," sagot niya, mukhang wala rin siyang idea kung anong laman.

Pagbukas ko ng kahon, napamura ako sa nakita ko. "Gago? Is this for real?"

Tumatambad sa akin ang ilang kahon ng condoms, bote ng lubricants, contraceptive pills, pregnancy test kits, at iba't ibang klase ng lingerie.

"Baka naman ikaw lang naglagay nito?" pagbibintang ko kay Theo.

"Hoy, don’t accuse me ha!" mabilis niyang pagtanggi, halatang gulat din siya.

"Di naman halata na excited silang magkaapo, ‘no? Pero naisipan pa rin nila na nasa college pa tayo kaya magpadala ng contraceptives," sarkastiko kong sabi.

Habang ako dada nang dada, si Theo naman ay mukhang windang. Halos hindi na siya makapagsalita.

"Ano kayang pumasok sa utak nila? At talagang may lingerie pa. Para namang susuotin ko ‘yan. Papasuot ko sa babae ko, pwede pa—"

Biglang nagdilim ang mukha ni Theo. "What? Say that again?"

"Wala, it's a joke! Masyado kang seryoso," mabilis kong binawi ang sinabi ko.

"Lagay mo na lang sa maleta ko para makaalis na tayo," sabi ko sabay abot ng kahon sa kanya.

"You're really bringing this along?" takang tanong niya.

"Baka hanapin. Ayokong mag-drive biglaan pabalik dito sa condo if ever," sagot ko.

"Oo nga, may point ka naman," sagot niya sabay lagay ng kahon sa maleta ko.

"Is this all your things?" tanong niya habang nakatingin sa mga gamit ko.

Dalawang malaking maleta at dalawang maliit na boxes lang naman.

"Yeah, that's it," sagot ko.

Isa-isa niyang binuhat ang mga gamit ko pababa sa kotse niya. Nandoon na rin daw ang gamit niya. Namamangha ako sa lakas ni Theo—pero nakakatakot din minsan kasi nare-realize kong soft lang siya sa akin, pero sobrang lakas niya talaga.

Habang tulala ako, hindi ko napansin na naibaba na pala niya lahat ng gamit ko nang walang kahirap-hirap. Ang natira na lang ay ang maleta ko at siyempre, ako.

"Huy, hello? Are you still there? Tara na!" sabi niya, na nagpabalik sa akin sa realidad.

Mabilis kaming lumabas ng condo ko. Hawak niya ang maleta ko habang sumakay kami sa elevator pababa sa parking. Paglabas namin, dumiretso kami sa kotse niya.

Napataas ang kilay ko. "Did you get a new car? No, more precisely, a new van?"

"Nasa bagong bahay na ‘yung kotse. Pinadala na ni Papa doon. This one is his early gift to us. I decided to bring this one kasi mas kasya ‘yung gamit natin dito," sagot niya.

Saglit akong natahimik, processing what he just said. Then, something clicked in my head.

"Early gift? What do you mean?" naguguluhang tanong ko.

"It’s exactly what it sounds like," sagot niya.

"And that is?" tanong ko ulit.

Napailing siya na parang nainis. "Ang slow mo naman, Tash."

"Sorry naman! Masama na palang magtanong ngayon?" irap ko.

"Sorry, that’s not what I mean. It’s his gift to us kasi engaged na tayo," sagot niya, like it was the most obvious thing in the world.

Napakurap ako. "Pero ‘di pa nagaganap ang engagement party?"

"It doesn’t matter. Ang mahalaga sa kanya, pumayag na tayo," matipid niyang sagot.

Before I could even process that, napansin ko na lang na tapos na siyang magkarga ng gamit sa sasakyan.

At doon ko lang napansin ang loob ng van.

Akala ko simpleng van lang, pero pagpasok ko, narealize kong hindi. Para siyang camper van. May mini fridge, reclining seats, at may built-in storage. Basically, parang mini home on wheels.

Napanganga ako. "Theo, what the hell is this?"

Ngumisi siya. "A future getaway car. You like it?"

"I can't say that I don't, pero 'di ba masyadong OA?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos ang leather seats ng van.

"Nah, papa said you like to travel daw, kaya eto ang binili niya for us—para sa mga road trips natin."

"Wow, pasabi kay Tito thanks," sagot ko bago masayang pumasok sa loob.

Agad kong tinesting ang upuan, ini-recline ito at sinubukang humiga. Ang lambot! Ang laki rin ng space sa likod, parang mini living room na pwedeng tambayan. May built-in TV pa at mini fridge sa gilid. Hindi ko alam kung gusto ko bang matawa o ma-amaze sa sobrang effort ni Tito.

"I know you're excited, pero put on your seatbelt," sabi ni Theo sabay upo sa driver's seat.

"Yes, sir," sagot ko bago ako sumandal at isinuot ang seatbelt.

Pagkatapos niyang i-start ang van, agad kaming lumabas ng parking at dumiretso sa daan. Tahimik lang kaming dalawa habang binabaybay ang highway. May konting traffic, pero hindi naman hassle.

"So, ilang araw kang mag-a-adjust bago mo ako i-kick out sa bahay?" biglang tanong ni Theo habang nakatingin sa daan.

Napataas ang kilay ko. "What makes you think na i-kick out kita?"

"Eh kasi, hindi ka sanay na may kasama sa bahay. Alam kong gusto mo ng space," sagot niya na parang sure na sure sa sinasabi niya.

"Hmm, valid," sagot ko, kunwari nag-iisip. "Pero since fiancé na kita, I guess I have no choice."

Napangisi siya at saglit akong sinulyapan. "Wow, thanks ha. Nakaka-touch."

"You're welcome," sabi ko sabay tawa.

Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap tungkol sa random na bagay—mga plano namin sa bagong bahay, paano namin aayusin ang mga gamit, at kung ano ang unang gagawin pagdating doon.

Makalipas ang halos isang oras, tanaw na namin ang malaking gate ng bahay.

"Well, here we are," sabi ni Theo habang binababa ang salamin ng bintana para pindutin ang intercom.

Tumunog ang buzzer, at ilang segundo lang, bumukas ang gate. Pumasok kami sa mahabang driveway hanggang sa makarating sa tapat ng bahay na magiging tirahan namin.

It was modern yet cozy, with a mix of glass windows and wooden details. Medyo OA yung laki but it's okay.

I took a deep breath. "Well, this is it."

Theo grinned. "Welcome home, wifey."

"Tangina mo" Napailing na lang ako at bumaba ng sasakyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Married To My Gay Best Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon