SOTSOL 1: Meet Me :P

68 4 0
                                    

Ako nga pala si...

Bleeh. Asa ka. 

My name is...

Isa pang ASA KA PA. 

Iba na ang magpapakilala sa 'kin, baka malula ka pa e, HAHA. 

Anyways, nakatitig ako ngayon sa salamin, ang ganda ko kasi. Alam mo na, pinaglihi sa mga beauty pageant. 

"Queen Narcissa, hindi pa po ba kayo bababa para kakain?" kapatid ko 'yan. Sa katititig ko sa kagandahan ko, hindi ko napansing nakapasok na siya ng kuwarto ko.

O, malinaw 'yan ha, sa kuwarto  ang setting kapag nananalamin ako at tumititig sa kagandahan ko. Hindi sa kalye, hindi sa school, hindi sa kanto, hindi sa kusina o sala namin. Sa kuwarto ko lang. Alam ko namang standout ang beauty ko kahit saan kaya hindi ko na kailangan pang manalamin kapag napapalibutan ako ng maraming tao. Ang ganda ko kasi.

"Ate.Narcissa.Kakain.Na.Po.Tayooo~"

Ibinaba ko sa sidetable ang salamin at hinarap ko si Baluga. Tinitigan ko siya nang masama, dahan-dahan akong tumayo, naglakad palapit sa kapatid ko at kinutusan siya. "Pwede ba, hindi Narcissa ang pangalan ko, Maya, okay? M-a--"

"Tweet-tweet," putol niya sa mga sinasabi ko. "Di ba dapat ganun ang sinasabi mo?"

"Aaah!" tumili ako sa inis at kinutusan siya. Ang ganda ganda ng pangalan ko, iniinsulto niya!

"Ma, si Ate oh, bi-nu-bugbog ako!" nagsumbong siya kila Mama habang hinihimas ang ulo niya.

Nag-attempt ulit akong kutusan siya pero pumasok na si Mama ng kuwarto ko para mamagitan. "Itigil niyo na 'yan, bumaba na tayo at nang makakain na," itinuon niya ang pansin sa akin. Nag-pa-meywang si Mama. "At ikaw, itigil mo na ngang pananakit sa kapatid mo, dadalawa na nga lang kayo, nagkakasakitan pa."

"Opo," mahinang sagot ko. Nakatungo at nakanguso. Pagkatapos nun, pasimple kong tiningnan nang masama si Dose para iparating ang mensahe ko: Mamaya ka lang.

Sumabay si Dose kay Mama nung lumabas siya. Nakahawak sa braso ni Mama ang kapatid ko.

Para namang nangangain ako nang buhay para matakot siya. Psh.

##

"Tumawag si Ma'am Artillaga kanina, hindi ka raw pumasok kahapon," si Mama yun habang nag-bi-breakfast kami. Nagsasalin siya ng hotdog sa plato niya.

Malamang sa alamang, nasa harap kami ng hapag-kainan. Round-table ang gamit naminng mag-anak, apat lang naman kami kaya hindi na namin kailangan ng mahabang lamesa.

Tumigil ako sa pagkutsara ng pagkain, hinintay maubos ang nginunguya ko, itinukod ang mga siko sa lamesa at hinarap si Mama. "Tapos na po ang periodical test namin, tapos ko na rin po ang mga project ko, wala na po akong gagawin sa school kundi makipag-chismisan sa mga kaklase ko."

Secrets of the Sword of Life [SOTSOL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon