Shone&Sharina

12 0 0
                                    

ok ngayon lang ako nkasulat ulit.

---

takbo.takbo

Tinanong nga ako ng mga kasama ko kung bakit daw ako tumatakbo, para raw akong nakakita ng multo. Napakagwapo niya naman para maging multo. hahaha

Usually, matapos magsimba, kakain kami sa labas pero this time, hindi ako sumama sa kanila, idinahilan kong masama ang pakiramdam ko, kaya inihatid nalang nila ako. Nakauwi ako ng bahay na lutang parin ang isip ko.

'Lord, yun ba ang sign? pero t-shirt's print lang yun eh. Hindi pupwede yun, hidi siya. Masyado siyang gwapo para sa'kin. At napakabolero pa, kanina palang kami ngkita, tapos sasabihin niya agad 'I like you' ? ok lang siya?ou ok lang siya, ako yata ang hindi ok. oh.im.ji.!!

It's 5:30 in the morning, my alarm clock is ringing, it's time to jogging. whahaha

Lumabas na ako ng bahay para nga mag jogging kasama ko ang alaga kong aso na si Sharina. Tumigil kami sa isang tabi at naupo.Uminom ako ng tubig habang kinakausap ko si Sharina nang bigla nalang may lumapit na aso.

Kumakahol yung dalawang aso, as if nagkakaintindihan  nga talaga sila. Na inlove ata kay Sharina.hahahaha adik! ano naman ang alam ko sa love love na yan. 

E hindi ko pa nga nahahanap yunng MR. Right ko. teka! bakit ba kasi ako pa ang naghahanap, ikaw nalang kasi ang maghanap sakin.

"Nandiyan ka lang pala"

Nagulat ako sa nagsalita, lumingon ako and O_O 

si gwapong hayop na nman. nakangiti pa siya.

"Nandyan ka lang pala eh kanina pa kita hinahanap."

naku po! ako? kanina pa niya hinahanap?

"Shone come!" 

anu raw? Shone, I'm not Shone I'm Akynna'

biglang  kumahol yung asong lumapit kay Sharina at lumapit sa kanya.

toinks! 

"Napakagala mo ha?" Kausap niya sa aso niya.

gosh! akala ko ako. Assumera ka Akynna. hahahaha

bigla nalang kumahol yung Sharina ko, lumipat ang tingin ng aso at ni gwapong hayop kay sharina. Papansin tong Sharinang to. hahaha

Kumahol din yung aso at lumapit kay Sharina.

"Magkasundo yata mga aso natin." nagsalita siya pero hindi ako nagkomento.

"Anong pangalan niya?" tanong niya. nilingon ko siya at itinuro niya si Sharina gamit yung lips niya.

whaaaaaaa! ang cute niya.

"Yung aso mo, anong pangalan niya?" tanong niya ulit habang nakangiti.

"Ahm..S-Sharina." nautal pa'ko.

"Nice name. Bagay sa kanya."

"hindi ko naman siya papangalanan kung hindi bagay sa kanya. Ahm. Excuxe me, uuwi na kami. Sharina tara na." Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. mabuti pang umalis nalang ako baka hindi ako makapagpigil eh, mkapa-autograph ako nang wala as oras. hahaha

T-shirt's PrintTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon