another part...
Nasa mall kami ng besty Frea ko, nag aya kasi siya. Kinuha niya yung couple shirt na ipinagawa nila ni Kuya Lance.
may nakita akong T'shirt na may print na "Perfect Match', binili ko na, yun lang kasi ang nakita kong walang partner. hehehe
Nagyaya si Besty na kumain, syempre libre niya, siya nagyaya eh.. hahaha
Ang daming tao sa foodspot na yun, kaya siya na ang nag order, then naupo nalang ako sa pwesto namin. I'm just listening music gamit ang earphone ko habang nakatingin sa labas.
Bigla nalang kinuha 'yong earphone ko sa tainga. Marahas kong nilingon kung sino gumawa nun.
"Ikaw na naman?" eksaherada kong tanong.
"Hi!" nakangiting bungad ng gwapong hayop.
Nilingon ko si besty nang nagtatanong.
"why? makikiupo raw siya wala na kasing ibang vacant table eh. sabi niya naman magkakilala daw kayo. di ka nman nag react so I thought na kakilala mo nga." sagot ni besty.
"hellooo! Besty nka earphone ako, paano ko kayo maririnig? hindi ko yan kilala."
"Ok cge, pero Besty, makikiupo lang nman 'yong tao."
"Hindi yan tao."
"Kasi nga BAGAY AKO, BAGAY SAYO!" singit ng Gwapong hayop.
"Hahaha.. Kita mo na? Tas sasabihin mong hindi kayo magkakilala?" tumatawa pang tugon ng besty ko.
"Saan kayo nagkakilala?" baling ni Besty Frea sa lalakeng gwapo.
"Ako kasi 'yong bago nilang kapitbahay. I'm Elixer Von Calderon." sabay lahad ng kamay kay Besty Frea. Akmang aabutin rin ni besty 'yong pakikipagkamay nito pero inagaw ko agad ang kamay ng besty ko.
"Ops! May bf na siya, pinsan ko." Mahirap na..hahaha.. baka ma virus-an bff ko..
"Oh!, I'm just introducing myself." sagot agad ni gwapong hayop.
"Besty, hindi naman ako magtataksil. Siya sige. I'm Frea, bff nitong OA na'to." - Frea
"Anong OA? inalalayo lang kita sa kanya." -ako.
"ahh, kasi gusto mong ikaw ang mapalapit sa'kin? ha Besty?" nanunuksong sabat ni gwapong hayop.
"Anong Besty? Hindi kita bestfriend."
"Oh! I thought you're Besty as she calls you."
"Akala ko ba kilala mo siya?" singit ni bff.
"Except her name, hindi niya sinasabi. I thought it was Besty as you call her." sagot nito.
"Ahh, hindi tawagan namin yan, bff kami eh. Teka, ikaw ka'mo 'yong bago nilang kapitbahay?" tanong ni bff.
"Yeah." sagot nman nito.
"Besty, siya ba 'yong tinutukoy ni Aiana na sinab-.." hindi na natapos ni bff ang sasabihin dahil tinakpan ko na agad ng fries 'yong bibig niya. Ang daldal eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/5022727-288-k543114.jpg)