Nagpapamiss

21 0 0
                                        

"Akynn, inumin mo na ang gatas mo oh."

"Opo yaya. Lagay mo na lang jan sa mesa." Sagot ko kay yaya saka siya lumabas ng kwarto ko. Ininom ko ang gatas at nagsuklay ng buhok when my phone ring.

'future is calling' natawa na lang ako and at the same time my heart skips a beat. Ano to?? Recitation?? Hoy puso! Umayos ka ha! Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot pero hindi ako nagsalita.

"Akynn?" tanong niya.Kakaiba boses niya ah.

"Hindi to si Akynn, yaya niya to." Narinig ko siyang mahinang tumawa.

" hahaha. Akynn galit ka ba?" he asked

"Galit? Kanino?" I asked.

"Sa kausap mo ngayon."

"Tumawag ka para lang itanong kung galit ako sa'yo? Sayang lang ang load mo hijo."

"I'm sorry sa nagawa ko kanina." Nagsosorry siya? Ano bang nagawa niya kanina?

"What are you saying? Umpisa pa lang alam mo nang ayaw ko sa'yo." Sinabayan ko pa ng tawa saka pumunta sa terrace sa kwarto ko, sa pwesto ko lagi dala, ang gatas ko.

"Akynn, hindi ba talaga tayo pwedeng magkalapit?" iba ang himig ng boses niya, parang ang lungkot. Kaya ako sumagot.

"Inumin mo na ang gatas mo, baka lumamig." He said it after he sighed.

"Paano mo nala-" hindi ko natapos ang sasabihin ko. Nakita ko siya sa tapat ng bahay, sa terrace din nila.

"Sorry sa istorbo, matutulog ka na yata. Sige, god night Akynn! Sleep tight. May jogging pa tomorrow." Saka niya binaba yung phone. Tumingin muna siya sa akin. Tama ba ang nakita ko? Malungkot siyang ngumiti saka tumalikod.

'Ano yon? Ba't ganun ang ngiti niya?  Ba't parang ang lungkot niya ata? At ba'y parang nalulungkot din ako? Gaya-gaya??

.

.

.

Kinaumagahan, nag jogging ako, hindi ko siya nakita o ang aso niya. Matapos ang nakita ko kagabi, napag-isipi-isip kong, ba't nga ba ayaw ko sa kanya? Nakikipagkaibigan lang naman ang taong hayop, I mean, tao pala. Wala naman sigurong masama. Ba't ba ako natatakot? Kaya ngayon, papansinin ko na siya. Makikipagkaibigan na'ko sa kanya. J (feeling na-anghelan ang lola niyo.) hahahaha

Pero...

Napagod na lang ako sa kakatakbo paikot-ikot baka sakaling makasalubong ko siya, pero hindi nangyari. Natapos na lang ako sa pag jojogging pero wala. Hindi ko talaga siya nakita.

Nagtambay ako sa labas ng bahay, nilaro-laro ko yung aso ko, pero hindi siya lumabas, samantalanglumalabas naman yun pag nagtatambay ako para lang mangulit. 'baka wala siya sa bahay nila.'

Nag-online baka sakaling online rin siya, pero hindi.

Pati yung phone ko, chinicheck ko baka may text siya kahit greetings lang, pero wala. Yung feeling na pag nag bebeep yung phone mo, excited kang makita kung sino yung nagtext, tapos dahan dahan mo lang ibaba yung phone mo sabay ismid  dahil bukod sa hindi siya yung nagtext, 4438 TM Astig Rewards lang pala.. hay nako! Sadnu??  Alam mo ba yung feeling na yon?? Pumalakpak naman ang nakakarelate jan.hahaha

Tatlong araw na hindi siya nagpaparamdam. Nagsawa na siguro yung taong hayop na yon. Oo. Taong hayop na ulit siya!

"besty, mall tayo!" yaya sakin ni Besty nang tawagan niya ako.

"kagagaling ko lang dun kahapon eh."

"Ha? Ba't di mo ako sinama?" nagtatampo at Besty ko.

"May lakad kayo ni kuya Lance kahapon diba? Kaya ako na lang pumunta." Explain ko agad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

T-shirt's PrintTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon